Provincial News

Blood donation isinagawa sa San Jose, Neuva Ecija

“Every blood donor is a hero”, ito ang isinabuhay ng isinagawang blood donation sa Heart of Jesus Hospital, lungsod ng San Jose kamakailan lamang. Sa pagtutulungan ng Philippine Red Cross, Heart of Jesus Hospital, Alay Foundation at Peace Action and Rescue with Dedication to Serve the Society o PARDSS ay matagumpay na naisagawa ang programa. Tinatayang nasa higit apatnapu ang nagdonate ng dugo. Ayon kay Hilario B. Pajo, newly appointed chairman ng PARDSS, layunin ng […]

Mga magsasakang may pinakamataas na ani sa Nueva Ecija, pinarangalan

Kinilala ang siyam na Highest Palay Yielder o mga magsasakang may pinakamataas na ani ng palay mula sa iba’t- ibang barangay sa lungsod ng San Jose, Nueva Ecija. Hinati sa tatlong kategorya ang mga parangal, kabilang ang fully irrigated category, pump irrigated category, at semi-irrigated category. (Agila Probinsya Correspondents Ella Domingo-Reyes, Emil Baltazar)

Road Widening sa Tarlac

Kasalukuyang isinasagawa ang road widening sa lalawigan ng Tarlac, particular na sa kahabaan ng Romulo Highway National Road na nag-uugnay sa lungsod ng Tarlac patungo sa mga bayan ng Sta. Ignacia, Camiling at San Clemente. Ayon kay Project Engineer Crisanto Capinpin,Jr., ang proyektong ito ng Department Of Public Works and Highways (DPWH) Region 3 ay nakatakdang tapusin sa loob ng siyam ng buwan o sa buwan ng Marso 2016. Layunin ng proyektong ito na higit […]

Blood Letting Activity sa Subic pinangunahan ng PCGA

Nagsagawa ng isang Blood Letting Activity ang 111th Squadron ng Philippine Coast Guard Auxiliary o PCGA sa isang mall sa Subic Bay sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross Olongapo City Chapter. Ito ay bilang suporta sa nalalapit na selebrasyon ng World Blood Donor Day 2015 na may temang “Thank you for saving my life.” Pinangunahan ng mga miyembro ng Phil. Coast guard ang pagdo-donate ng dugo at ilang miyembro ng Subic Bay Metropolitan Authority o […]

Color Run isinagawa sa Bataan

Idinaan sa isang kakaibang Fun Run ng lokal ng pamahalaan ng Dinalupihan, Bataan ang kanilang kampanya upang maipalaganap sa lugar ang ang kanilang pagnanais na maging smoke free ang nasabing bayan. Layunin ng Dinalupihan Color Run na i-promote ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at paglulunsad ng programang Smoke Free Dinalupihan upang makaiwas sa masamang bisyo lalo na ang paninigarilyo upang magkaroon ng maayos na kalusugan at magandang kinabukasan. (Agila Probinsya Correspondent Dhanielyn Punzalan)

Medical Mission sa Mariveles, Bataan

Isang medical mission ang isinagawa ng mga miyembro ng Community Investigative Support (CIS) sa Mariveles, Bataan kasama ang apat na probinsya ng Region III tulad ng Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at CIS Zambales. Namigay ng libreng serbisyo medical tulad ng bunot ng ngipin, pamamahagi ng reading glasses, libreng gupit at pamimigay ng gamot. Layunin nang isinagawang medical mission na matulungan at patuloy na mabigyan ng financial at medical assistance ang ating mga kababayan. (Agila Probinsya […]

Implementasyon ng Hi-5 o High Impact 5 ng DOH tiniyak na magiging aktibo sa Bicol

Handang-handa na umano ang Department of Health (DOH) sa Bicol Region upang tiyakin na magiging matagumpay ang inilunsad nilang programa na Hi-5 o high impact 5. Layunin ng proyektong ito na mapababa ang mga kaso nang pagkamatay ng mga ina at sanggol, labanan ang paglaganap nang sakit na HIV/AIDS, Malaria at iba pang uri ng sakit. Isa pa sa layunin ng Hi-5 o High impact ay ang lalo pang pagpapalakas sa maternal health at pagpapababa […]

Mga magulang at mag-aaral sa Mt. Province inalerto sa pabago bagong panahon

Nagbigay ng paala-ala ang punong guro ng Bontoc Central School sa lalawigan ng Mt. Province na si Ginoong Rodolfo Paspas, sa mga mag-aaral maging sa mga magulang ng nasabing eskwelahan, na laging magdala ng pananggalang sa ulan tulad ng payong at kapote. Bahagi ito ng kampanaya nila upang maingatan at huwag magkasakit ang mga bata lalo na ang nasa kindergaten. Kasama din sa ibinilin sa kanila katuwang ang mga guro na maging alerto sa lahat […]

Longest tunnel sa Pilipinas

Noong 1994 unang maconceptualize ang daang masasabing short-cut patungo sa Nasugbu, Batangas. Ang dating apat na oras na biyahe kung babagtasin ang Tagaytay ay mahigit isang oras na lamang kung dadaan sa Ternate-Nasugbu Highway ng Southwest Luzon. Makaraan ang apat na taong construction, Hulyo 1, 2014 ng matapos ang tinaguriang longest tunnel in the Philippines na tumagos sa Northern portion ng Mt. Pico de Loro. Ang tinaguriang longest tunnel na ito ay may habang 300 […]

Batas laban sa smuggling hiniling na ipasa na

Ang pagkakaroon ng batas na nagdedeklarang economic sabotage ang mga kaso ng smuggling ang nakikitang paraan ng isang grupo upang masolusyunan na ang tila hindi matapos tapos na problema sa pagpapasok ng mga iligal na kontrabando sa bansa Kaya naman inaasahan ng Samahan ng Industriyang Agrikultura (Sinag) at ng Abono Partylist na tuluyan nang maging batas ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa at ideklarang economic sabotage ang kaso ng smuggling sa bansa. (Agila Probinsya […]

Pagbaba ng presyo ng krudo at gasolina sa Benguet

Ikinatuwa ng mga motorista at may mga may-ari ng truck ng gulay ang pagbaba ng presyo ng krudo at gasolina sa lalawigan ng Benguet ngayong linggo. Karaniwan kasi sa mga nasa vegetable trucking business roon ay bultuhan kung magpakarga ng gasolina. Ayon sa mga may-ari ng vegetable trucking sa nasabing lalawigan ay malaking bagay ang pagbaba ng presyo ng krudo at gasolina lalo na sa kanila na bultuhan kung magpakarga ng krudo at kung sa […]

DA urges rice farmers to use water-saving techniques

QUEZON CITY, June 7 — The Department of Agriculture is urging  farmers to employ the water management technologies developed by PhilRice to  effectively and efficiently use water and maximize rice yields now that the country experiences El Niño, Engr. Evangeline Sibayan, Supervising Science Research Specialist at PhilRice’s Rice Engineering and Mechanization Division, in a DA statement said  that the alternate wet and drying (AWD) method is an effective guide for farmers on when to irrigate the […]