Govantes Boating Park, bagong atraksiyon sa Vigan, Ilocos Sur

Pormal ng binuksan sa publiko ang Govantes Boating Park na matatagpuan sa Vigan City. Isa na ito sa mga dinarayo ngayon ng mga turistang bumibisita sa lungsod ng Vigan.

Maaaring sumakay sa mga bangkang de motor na ang disenyo ay parang mga kalesa na karaniwang nakikita sa Vigan. Libre ang pagsakay sa mga ito, kaya bata man o matanda pwedeng subukan ang bagong atraksiyon na ito sa probinsya.

Pinaplano ngayon ng provincial tourism na lalu pang madevelop ang lugar na ito upang lalu pang maenganyo ang mga turista na bumisita sa lungsod ng Vigan.

(Agila Probinsya Correspondents Nelsan Mendosa, Ben Salazar)