8th Foundation Day celebration sa Tabuk City, Kalinga

Patuloy ang isinasagawang pagdiriwang ng mga tabukeño ang 8th Founding Anniversary ng Tabuk City.

Iba’t-ibang mga aktibidad ang mga isinagawa at patuloy pang isasagawa sa mga susunod na araw hanggang Hunyo 28.

Kabilang dito ang Trade Fair kung saan ay mabibili ang mga produkto na gawa ng mga taga-Kalinga tulad ng mga furnitures, Kalinga blend, at iba pang souvenir items.

Bahagi rin ng okasyon ang pagpapahintulot sa iba pang mga negosyante upang magbenta ng kanilang mga paninda na dinadagsa naman ng mga mamimili.

(Agila Probinsya Correspondent JB Sison)