INDANAN, Sulu (Eagle News) – Mismong si Western Mindanao Commander Gen. Carlito G. Galvez Jr., ang nag-abot ng 1 million pesos na reward money sa isang hindi na pinangalan impormanteng taga-Sulu. Ito ay dahil sa mga impormasyong ibinigay sa mga tropa ng marines nang maglunsad ng opensiba ang Joint Task Force Sulu laban sa notorious na Abu Sayyaf sub-leader Al Habsy Misaya na nagresulta sa pagkapatay kay Misaya sa Barangay Silangkan, Indanan, Sulu. Sa turn-over […]
Provincial News
ASG member na nadakip, patay matapos magtangkang tumakas
ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Patay ang isang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf na kinilalang si Saad Kiram. Ito ay matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng Philippine National Police-Bohol. Sa impormasyong ibinigay ng Bohol Police Provincial Office si Kiram ay naka-detain sa Bohol BJMP District Jail. Pagkatapos nitong sumailalim sa Tactical Interrogation ay ibiniyahe na ito pabalik sa nasabing jail. Nakiusap di-umano ito sa kaniyang mga escorts na magbawas. Nakahanap anila ito […]
Vintage mortar, natagpuan sa garahe ng mga jeep sa Quezon City
QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Isang 81 millimeter na vintage mortar ang natagpuan sa isang garahe ng Public Utility Jeepney noong Huwebes, May 4 bandang 10:00 ng umaga sa Coco Hills Banlat Road, Tandang Sora, Quezon City. Ayon sa mga residente, natagpuan ang mortar sa ilalim ng puno ng alatiris at nakabalot pa ito sa dyaryo. Napansin ng mga residente na may pinaglalaruan ang mga bata na mortar at balak pa nila itong ibenta […]
Selebrasyon ng Month of the Ocean 2017 isinagawa sa General Santos City
GENERAL SANTOS CITY, South Cotabato (Eagle News) – Isinagawa ang selebrasyon ng Month of the Ocean (MOO) sa isang mall General Santos City kamakailan. Isinasagawa ito taun-taon tuwing buwan ng Mayo ayon na rin sa Presidential Proclamation No. 57 na inilabas noong 1999. Ito ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Sa taong ito ay ika-18 taong selebrasyon ng MOO […]
Lingap Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Batanes, matagumpay
(Eagle News) — Nilingap ng Iglesia Ni Cristo ang mga kababayan natin sa tatlong lugar sa Batanes. Bukod sa libreng medical at dental services, nakatanggap din sila ng libreng gamot at salamin sa mata. Matagumpay din ang isinagawang Evangelical Mission sa Batanes.
Korean nationals nangunguna parin sa listahan ng mga madalas bumisita sa Boracay
(Eagle News) — Umakyat ng labing isang (11) porsyento ang bilang ng mga turistang nagtutungo sa isla ng Boracay mula nitong Enero hanggang Abril ng taong ito kumpara noong nakaraang taon. Sa datos ng Malay Municipal Tourism Office, mula lang nitong unang apat na buwan ng taon ay nasa mahigit 744 thousand na ang naitalang tourist arrival sa isla kumpara sa mahigit 671 thousand noong nakaraang taon. Ang mga Korean national parin ang patuloy na […]
International Women’s Surfing sa Siargao Island, nilahukan ng 24 na kababaihan mula sa 6 na bansa
SIARGAO ISLAND, Surigao del Norte (Eagle News) – Nasa 24 na kababaihan mula sa anim na bansa ang lumahok sa 9th Siargao International Women’s Surfing Cup sa Munisipyo ng General Luna, Surigao del Norte. Bilang ng mga kababaihang lumahok mula sa ibang bansa: 13 mula sa Pilipinas 6 mula sa Australia 2 mula sa Indonesia 1 Japan 1 France 1 Brazil Pinangunahan ni Assistant Secretary Frederick Alegre ng Department of Tourism ang pagbubukas ng nasabing programa. […]
Paggunita sa National Heritage Month, isinagawa sa Ormoc City
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isinagawa noong Miyerkules, May 3 ang opening ceremony para sa isang buwang pagdiriwang ng National Heritage Month ngayong Mayo. Sa taong ito napili ang Ormoc City na pagdausan ng nasabing aktibidad. Ito ay may temang “Malasakit para sa Pamana.” Layunin ng lahat ng aktibidad na maipakilala sa mga bagong henerasyon ang kulturang Pilipino lalo na ang kakaibang kultura ng mga Ormocanon. Ang isa sa mga aktibidad na isinagawa sa pagbubukas ng isang buwang […]
Isang giant female green sea turtle, napadpad sa baybayin ng Albuqueque, Bohol
ALBUQUEQUE, Bohol (Eagle News) – Na-rescue ng Panglao Coast Guard at ng mga residente ang isang nanghihinang giant female green sea turtle na napadpad sa karagatan ng Barangay Wepo, Albuqueque, Bohol. Nakita itong palutang-lutang sa nasabing baybayin noong Lunes, May 1. Sa tulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Provincial Veterinarian, napag-alamang ang buoyancy problem ng nasabing pawikan ay resulta ng impacted intestine dahil sa plastic ingestion. Bagaman wala namang mga […]
Personnel ng PNP Madrid Police Station nagsagawa ng clean up drive
MADRID, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng clean-up drive ang mga miyembro ng PNP Madrid, Surigao del Sur noong Martes, May o2. Maaga pa lamang ay nagtipon na sila para sama-samang isagawa ang nasabing aktibidad. Dala ang mga gamit panglinis ay sinuyod nila ang mga basura at nagtataasang mga damo sa tabing dagat sa Barangay Union. Maaga naman nilang natapos ang nasabing gawain. Sa nakaraan ay nagsagawa na rin sila ng ganitong aktibidad sa […]
Medical at Dental Outreach Program, matagumpay na naisagawa sa Dapitan City
DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Naging matagumpay ang isinagawang Medical at Dental Outreach Program ng LGU Dapitan. Isinagawa ito sa Baylimango Covered Court ng naturang bayan kamakailan. Katuwang din sa naturang aktibidad ang City Agriculture Office, CSWDO, City Registrars Office, City Veterinarian at iba pang mga kawani ng lokal na pamahalaan. Mahigit 500 residente ang nakinabang sa serbisyong medikal at dental na handog ng LGU Dapitan. Sa nasabing aktibidad ay isinagawa ang libreng konsulta, bunot ng […]
Abot-Alam Program ng DepEd para sa mga out-of-school youth, inilunsad sa Marilao, Bulacan
MARILAO, Bulacan (Eagle News) – Inilunsad ng Department of Education (DepEd) Marilao ang programang ‘Abot-Alam’ sa pakikipagtulungan ng lokal ng pamahalaan ng Marilao, Bulacan para sa mga kabataan na walang kakayahang pumasok sa paaralan at ang mga may kapansanan o Person with disabilities (PWD). Ang paglulunsad ng programa ay isinagawa sa Municipal Atrium na pinangunahan ni ALS Provincial Director Celestino Carpio at Marilao North DepEd District Supervisor Maria Neriza Fanuncio. Ito ay sa pakikipagtulungan din […]





