Provincial News

Hinihinalang miyembro ng local terrorist group sa Sarangani, arestado

MAASIM, Sarangani –– Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki na hinihinalang miyembro ng isang local terrorist group sa Maasim, Sarangani. Kinilala ang suspek na si Moralen Conception Mashoy, residente ng Barangay Kanalo. Naaresto ito sa ikinasang drug buy-bust operation ng awtoridad kamakailan. Ikinasa ang operasyon laban sa suspek, makaraang makatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta ito ng ilegal na droga sa nasabing barangay. Sa isinagawang buy-bust operation ay […]

AFP umapela sa publiko matapos ang Palawan terror threat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Binulabog ng terror threat ang ilang bahagi ng Palawan nito lamang weekend. Ito ay matapos kumalat ang ulat na dumaong  sa Brooke’s Point at Bataraza ang ilang armadong lalaki na miyembro umano ng Maute Group lulan ng mga pump boat. Kumalat sa text messages at social media ang umano’y pagdating ng mga terorista para maghasik ng terorismo. Dahil dito, maraming eskuwelahan sa lungsod ang nakansela ang klase matapos na […]

LGU-Biñan nagsagawa ng drug tests sa mahigit 1,400 task force ng lungsod

https://youtu.be/ZCFW-cnVduA BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Sumailalim sa isinagawang drug tests ang mahigit na 1,400 na task force ng pamahalaang lungsod sa Biñan noong Sabado, July 1. Ginanap ito sa New City Hall Building, Biñan City, Laguna. Pinangunahan ng tanggapan ng punong lungsod at ng Advent Diagnostic Laboratory Testing Center ang isinagawang drug tests para sa mga kawani ng pamahalaan ng naturang siyudad. Maaga pa lang ay nagdagsaan ang mga task force ng city marshal, […]

Suspek sa masaker sa Bulacan, nakasuhan na

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan (Eagle News) – Nasampahan na ng kaso ang suspek sa pagmasaker sa isang pamilya sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Ayon kay San Jose Del Monte City Police Acting Chief Police Supt. Fitz Macariola, kasong murder at rape ang isinampa laban sa suspek na si Carmelino Ybañez, 26-anyos, isang construction worker. Aniya, ang pag-amin mismo ng suspek ang naging batayan para sa reklamo ng rape, samantalang ang naging salaysay […]

9 na miyembro umano ng pamilya Maute, hinarang ng militar

SULTAN KUDARAT, Maguindanao (Eagle News) – Hinarang ng militar sa Maguindanao kamakailan ang siyam na umanoy mga miyembro ng pamilya Maute. Kinilala ang mga ito na sina Alimatar Guro Maute, Apok Pili Maute, Mohamad Ali Maute, Saida Guro Maute, Amiladen Analo Maute, Mislanao Analo at Aisa Kalthum Sacaria. Hinarang din ang dalawang menor de edad. Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Senior Supt. Agustin Tello, naharang ang mga ito sa detachment ng 37th Infantry Battalion Philippine Army sa Brgy. Macaguiling, Sultan Kudarat. Sinabi ni […]

Mga banana exporter at grower sa Mindanao, nanawagang payagan sila na magkaroon ng armas

Umapela ang isang grupo ng mga negosyante sa Mindanao sa gobyerno na payagan sila na armasan ang kanilang mga security personnel upang maipagtanggol ang kanilang mga plantasyon mula sa pagsalakay ng mga hinihinalang miyembro ng komunistang grupo. Ayon kay Alex Valoria, presidente ng Pilipino Banana Growers and Exporters Association, dapat ikunsidera ng Philippine National Police ang naunang desisyon na ideposito sa kanila ang mga armas ng mga security personnel at mga negosyante sa rehiyon. Giit […]

Lamitan City, binulabog ng bomb scare

LAMITAN CITY, Basilan (Eagle News) – Binulabog ang mga residente ng isang barangay sa Lamitan City,  Basilan noong Miyerkules, Hunyo 28, nang makatanggap sila ng report ukol sa isang di umano’y IED o improvised explosive device sa lugar. Isang residente ng Brgy. Maligaya ang nagreport nito. Aniya, may nakita siyang  isang itim na supot na may nakausling wire. Kaagad naman itong naitawag sa barangay, at rumesponde naman kaagad ang mga operatiba ng Alpha Company 74th […]

Supply ng bigas sa Cagayan de Oro, sapat pa para sa susunod na 9 na araw – NFA

CAGAYAN DE ORO CITY, Misamis Oriental (Eagle News) – Kinumpirma ng National Food Authority (NFA) sa isinagawang press conference ng Cagayan de Oro noong Huwebes, June 29, na may sapat na supply ng bigas na kayang suportahan ng siyam na araw ang mga mamamayan sa Region 10. Ayon kay Hazel Belacho, spokesperson ng NFA, hindi totoo ang balita na kulang na ang supply ng bigas dahil personal nilang mino-monitor ang lahat ng nagbebenta ng bigas […]

900 evacuee students mula sa Marawi, nakapagsimula na ng klase

(Eagle News) – Mahigit 900 estudyanteng lumikas mula sa Marawi City ang nakapagsimula na ng klase sa Lanao. Noong Martes, Hunyo 27, nang simulan ang klase para sa mga nasa elementarya at high school gamit ang mga tent na itinayo ng Department of Education-Autonomous Region in Muslim Mindanao upang magsilbi nilang pansamantalang paaralan. Ilan sa mga bayan na tinayuan ng tent school ay ang Saguiaran, Pantar at Balo-i. May feeding program din na isinasagawa para sa […]

Augmentation force arrives in Cebu for ASEAN meet

(Eagle News) — An augmentation force from Metro Manila has arrived in Cebu in time for a 17th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting in July. Authorities said the force tasked to beef up security at an Asean meeting at Radisson Blu Hotel from July 1 to 7 includes bomb squads, canine units, among others. Apart from the augmentation force, personnel from the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) will be deployed to install closed-circuit […]

Suspect in Bulacan massacre arrested; confesses to crime

(Eagle News) — A suspect in the killing of five members of a family in San Jose del Monte this week has been arrested, with police saying rape was the sole motive for the gruesome crime. Police said Carmelino Navarro Ybañez of Negros Occidental, 26, single, and a construction worker, was arrested by San Jose del Monte Police around 6 p.m. Wednesday. Chief Supt. Aaron Aquino, provincial director of Region 3, said Ybañez, who lives two […]

P100,000 reward money, inialok sa makapagtuturo sa mga suspek sa nangyaring Bulacan massacre

SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan (Eagle News) – Nag-alok ng PHP100,000 pabuya si San Jose Del Monte, Bulacan Mayor Arthur Robes sa makapagtuturo sa suspek o mga suspek sa naganap na massacre sa limang miyembro ng isang pamilya sa Barangay Sto. Cristo, Bulacan. Ayon kay San Jose Del Monte Rep. Rida Robes, ang nasabing halaga ay ipagkakaloob sa sinomang makapagtuturo sa mga salarin upang mabilis na maresolba ang krimen. Sa imbestigasyon ng pulisya, ilang persons of […]