AFP umapela sa publiko matapos ang Palawan terror threat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Binulabog ng terror threat ang ilang bahagi ng Palawan nito lamang weekend.

Ito ay matapos kumalat ang ulat na dumaong  sa Brooke’s Point at Bataraza ang ilang armadong lalaki na miyembro umano ng Maute Group lulan ng mga pump boat.

Kumalat sa text messages at social media ang umano’y pagdating ng mga terorista para maghasik ng terorismo.

Dahil dito, maraming eskuwelahan sa lungsod ang nakansela ang klase matapos na magsiuwian ang mga estudyante sa matinding takot.

Matapos iberipika, sinabi ni Armed Forces of the Philippines-West Mindanao Command Chief Lt. Gen. Raul del Rosario na negatibo naman ang nasabing ulat.

Samantala, nanawagan ang opisyal sa publiko na huwag magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon sa text messages at social media para hindi ito lumikha ng alarma at pangamba sa publiko.

https://www.youtube.com/watch?v=wA0aBcn40yo&feature=youtu.be

Rox Montallana – Eagle News Correspondent, Palawan