Provincial News

Hepe ng Ozamiz Police, pinatawan ng 90-day preventive suspension

OZAMIZ CITY, Misamis Occidental (Eagle News) – Sinuspinde ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang hepe ng Ozamiz City Police Station. Ang 90-day preventive suspension kay Chief Inspector Jovie Espenido ay ipinatupad simula noong July 16, 2017 bunsod ng reklamong isinampa ni Ormoc City Mayor Richard Gomez dahil sa alegasyon ng pulis na kasama ang pangalan ng alkalde sa blue book o talaan ng mga drug personalities. Si Espenido ay dating hepe ng pulisya sa Albuera, […]

Mga taga-Marawi pinayuhang hintayin munang matapos ang krisis sa lungsod, bago bumalik

(Eagle News) –  Pinayuhan ng Malacañang ang mga taga-Marawi City na mas makabubuting hintaying matapos ang krisis bago bumalik sa kanilang lugar. Kasunod ito ng plano umano ng grupong “Occupy Marawi” na bumalik sa Marawi City sa mismong araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naiintindihan ng palasyo ang sentimyento ng mga residente ng Marawi, subalit dapat isaalang-alang ang kaligtasan nang mga ito. Wala aniyang […]

National Disability and Prevention Week celebration, isinagawa sa Puerto Princesa City, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Nakipagkaisa ang Puerto Princesa City sa programa ng Department of Health na National Disability and Prevention Week na nagsimula ngayong araw, Lunes (July 17) at matatapos sa July 23. Bahagi ng programa ay ang pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad kasama ang City Health Office. Ito ay ginanap sa Mendoza Park mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Isa sa mga naging aktibidad nila ay ang free health check-up sa […]

Ilang residente ng Eastern Visayas, hindi pa rin nakakauwi matapos ang 6.5-magnitude na lindol sa lugar

(Eagle News) – Mahigit sa 20,000 na residente ng Eastern Visayas ang hindi pa nakababalik sa kanilang mga tahanan matapos tumama ang 6.5-magnitude na lindol sa lugar noong Hulyo 6. Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development, nasa 23 mga barangay sa Eastern Visayas ang matinding napinsala ng nasabing lindol. Ayon sa ahensya, 12,000 sa mga residente ng Eastern Visayas ang nananatili pa rin sa 19 na mga evacuation centers. Mahigit 9,000 naman […]

Lalaki, patay sa buy-bust operation sa Calbayog, Samar

CALBAYOG CITY, Samar (Eagle News) — Patay ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng  mga awtoridad sa Calbayog kamakailan. Nanlaban umano at nagpaputok ng baril si Romano Talon alyas Mang-Mang, 32, nang malamang poseur-buyer ang katransakyon sa Purok 9 Brgy. San Joaquin, Tinambacan District. Agad na nagpaputok din ang pulis, na agad ikinamatay ng suspek. Prinoseso ng Scene of the Crime Operatives ang pinangyarihan ng krimen at naka recover ng pitong pirasong fired cartridges, […]

PNP bumuo ng task force, tracker team upang resolbahin ang pagpatay sa isang pulis sa Biñan, Laguna

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) –  Bumuo ang Laguna Police Provincial Office (PPO) ng isang Task Force para sa ikalulutas ng pagpatay sa isang Police Officer noong nakaraang Miyerkules (July 11) sa Biñan City, Laguna. Ayon kay Police Senior Inspector Gerry Sangalang, hepe ng Provincial Police Public Information Office na mabilis ding iniutos ni Laguna Police Provincial Director, Senior Superintendent Cecilio Ison, Jr.  ang pagbuo ng tracker team upang masiyasat ang pagkakakilanlan ng  pumatay kay […]

Php1.7M, ipinagkaloob ng DOLE sa ilang livelihood groups sa Palawan

PUERO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Tatlong samahan sa Palawan ang pinagkalooban ng Php 1.7 milyong tulong pangkabuhayan sa ilalim ng  Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment. Ang mga naging benepisyaryo ng naturang programa ay ang sumusunod: Narra United Ladies Multi-Purpose Cooperative na nagpanukala ng negosyong pagawaan ng Virgin Coconut oil. Pinagkalooban ito ng Php1.2 milyon. Sta. Lucia Nature Development Association na may proyektong paggawa ng unan ay tumanggap ng halagang Php435,000. Minara Mud […]

21 inmates sa Laguna, matagumpay na nagsipagtapos ng vocational courses sa TESDA

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Matagumpay na nagsipagtapos ang 21 inmates ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang kinuhang vocational courses. Ito ay ginanap sa Ambrocio Rianzales Hall, Biñan City, Laguna noong Martes, July 11. Nasa 11 lalaki at 10 babae ang nagsipagtapos ng kursong ipinagkaloob sa kanila sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)–ang manicure & pedicure, at ang hand spa & foot spa leading to beauty […]

Pangasinan 4th District at KBP-Pangasinan magkakaloob ng scholarship sa 60 kwalipikadong estudyante

LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) – Inilunsad ng Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP)  sa pakikipagtulungan ni 4th District Congressman Christopher de Venecia ang Joint Scholarship Program para sa 60 na kwalipikadong mga estudyante. Ayon kay Mark Espinosa, Chairman ng KBP-Pangasinan Chapter na mayroong 30 slots para sa journalism course at 30 slots para sa non-journalism courses. Ang mga papasok sa slot ng journalism course ay mapagkakalooban ng Php 12,000 financial assistance kada-taon, habang ang […]

Giant vegetable salad, ginawa sa La Trinidad, Benguet

LA TRINIDAD, Benguet (Eagle News) – Gumawa ng malakihang vegetable salad ang ilang mga residente ng La Trinidad, Benguet. Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ng pagkakatatag ng industriya ng pagtatanim ng gulay sa La Trinidad. Inorganisa ng League of Associations of La Trinidad Vegetable Trading Area Inc. ang paggawa ng dambuhalang vegetable salad, na sinasabing kayang magpakain ng   hanggang 3,000 katao. Ang salad–na tinatayang may bigat na 1.2 tonelada—ay inilagay sa higanteng bowl […]

2 arestado sa Laguna dahil sa paggawa, pagbenta ng mga candy na may halong marijuana

  SAN PEDRO, Laguna (Eagle News) — Arestado ang dalawang lalaki na umano’y gumagawa ng mga candy na may halong marijuana at ibinebenta sa mga paaralan at unibersidad sa San Pedro City, Laguna, kamakailan. Kinilala ang mga suspek na sina Bobby Albert Bobcock, 32, isang Filipino-American, at Jan Allen Ledesma, 23. Naaresto ang mga suspek sa isang raid na isinagawa ng mga otoridad sa isang maliit na apartment sa Park Spring Village, Brgy. San Antonio. […]

Mt. Kanlaon Natural Park, bukas na sa trekkers

(Eagle News) – Muling binuksan ang Mt. Kanlaon Natural Park sa mga trekker. Ito ay matapos magbalik-normal ang estado ng Mt. Kanlaon, na inilagay sa estadong aktibo dalawang buwan ang nakakaraan. Ayon kay Joan Nathaniel Gerangaya, special concerns head ng Provincial Environment and Natural Resources Office, bukas na rin ulit ang mga trails paakyat sa bundok. Php1,000 ang itinakdang bayad para sa kada foreign trekker na nais umakyat sa bundok, ayon sa forester na si […]