Provincial News

3 miyembro ng Dawlah Islamiyah Group, arestado sa Lanao del Sur

(Eagle News) – Tatlong miyembro ng Dawlah Islamiyah Group na sangkot sa kaso ng pagpatay sa tatlong sibilyan noong Diyembre 26, 2017 sa Lanao del Sur ang naaresto ng pinagsamang operasyon ng militar at pulisya. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Apao Dimacalang, Ibrahim Alek Undi alyas Brad Alexander at Jamal Ramal Berongan alyas Ma-yor. Ang tatlo ay nadakip ng pinagsamang puwersa ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, Joint Task Force Haribon, 51st […]

12-year-old who received Dengvaxia in Pampanga, dies

QUEZON CITY, Philippines – Another child who received the Dengvaxia vaccine died in Pampanga. Reports said that the 12-year-old elementary student received the vaccine in 2016 in San Esteban Elementary School in Macabebe, Pampanga. The child was diagnosed with brain herniation syndrome. This is the third Dengvaxia-related death in Pampanga. According to reports, the girl received a dose of Dengvaxia on June 14, 2016.

Karagdagang 7,000 hanggang 8,000 na pamilya, ililikas sa Mayon area – NDRRMC

LEGAZPI, Albay (Eagle News) – Karagdagang 7,000 hanggang 8,000 na pamilya ang inililikas na matapos itaas sa alert level 4 sa bulkang Mayon kasunod nang magma eruptions. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, inaayos ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at Albay Local Government ang evacuation. Kabuuang 6,498 na pamilya o katumbas ng 24,611 katao ang nasa loob ng 27 evacuation centers. Dagdag pa ni Marasigan, […]

Mga aktibidad sa Mt. Pulag, suspendido dahil sa forest fire

BAGUIO CITY (Eagle News) — Isinailalim na ng pamunuan ng Mount Pulag sa indefinite suspension ang lahat ng aktibidad sa bundok dahil sa nangyaring forest fire nitong Sabado ng hapon, Enero 20. Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-simula ang sunog sa pagsabog ng butane gas stove ng isang hiker. Dahil dito apektado ng forest fire ang lahat ng campsite at peak. Ang sunog ay tumagal ng halos walong oras bago naapula, pasado alas nuebe na […]

SolGen Calida files MR with Court of Appeals seeking re-arrest of ex-Palawan Gov. Reyes

(Eagle News) — Solicitor General Jose Calida has asked the Court of Appeals to reconsider its decision that paved the way for former Palawan Gov. Joel Reyes to leave detention. In a motion for reconsideration filed on Monday, Calida said the “(Former Special 11th Division) clearly disregarded jurisprudential parameters in the determination of the existence of probable cause” for the arrest warrant issued against the former governor in connection with the charges he faces for […]

Asian Waterbird Census 2018, isinagawa sa Balanga, Bataan

Ni Josie Martinez Eagle News Service BALANGA, Bataan (Eagle News) — Sa ginawang Asian Waterbird Census 2018 sa Wetland and Nature Park sa Barangay Tortugas, Balanga City, Bataan, muling napatunayan na patuloy pa ring naninirahan dito ang mga ibong dayo o migratory birds sa lalawigan. Ang census ay isinagawa ng mga representative ng Wild Bird Club of the Philippines (WBPC) sa pangunguna ni Mr. Mike Lu, mga personnel mula sa Department of Environment and Natural […]

Agawan ng teritoryo sa West PHL Sea, sentro ng usapan sa 23rd House of Delegates Convention

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nagtipon ang mga opisyal ng Integrated Bar of the Philippines mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa ginanap na 23rd House of Delegates Convention sa Puerto Princesa City. Nakasentro ang naturang aktibidad sa pagbuo ng mga plano at paraan upang patuloy na mapangalagaan ang West Philippine Sea, kung saan pinanghahawakan ng bansa ang ginawang desisyon ng International tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) na pumapabor […]

6 na sundalo, sugatan sa pakikipagbakbakan sa ilang miyembro ng Maute group

LANAO DEL SUR, Philippines (Eagle News) — Sugatan ang anim na sundalo sa pakikipagbakbakan sa natitira pang mga miyembro ng ISIS-inspired group na Maute sa Lanao del Sur. Ayon kay Army Spokesman Major Ronald Suscano, naka-engkwentro ng mga tropa ng Joint Task Force Ranao ang sampung miyembro ng Maute na nagresulta sa pagkasugat ng anim na tropa ng pamahalaan. Nagsimula ang engkuwentro noong Sabado ng umaga nang rumesponde ang mga sundalo sa ulat ng ilang […]

Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Lingap sa mga apektado ng Mt. Mayon eruption

GUINOBATAN , Albay (Eagle News) — Nag-abot na rin ng tulong ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Albay sa mga apektado ng pagaalburoto ng Bulkang Mayon. Aabot sa 70 pamilya o nasa 400 katao ang agarang nabigyan ng tulong ng Iglesia Ni Cristo na nangangailangan ng pagkain. Ayon kay kapatid na Ruel Castillo, District Minister ng lalawigan ng Albay, isa sa aral sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay ang pagtulong sa […]

Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Zamboanga del Norte

JOSE DALMAN, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Natagpuang patay ang isang kagawad ng Brgy. Lipay umaga nitong Biyernes, Enero 19. Kinilala ang biktima na si Roldan Taduc. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Wynner T. Siling, bandang alas 8 ng umaga nang pauwi na ng bahay ang biktima matapos ihatid ang anak sa eskwelahan nang bigla na lamang itong binaril ng hindi pa nakikilang suspek. Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na […]

Trabahador, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Pagadian City

Ni Ferdinand C. Libor Jr. Eagle News Service PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Patay ang isang laborer matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Pagadian noong Huwebes, ika-18 ng Enero. Kinilala ang biktimang si Jovanie Ajo Babawi, 29, residente sa Purok Hiniusa, Brgy. Lumbia. Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, binabaybay ng biktima gamit ang kaniyang motorsiklo ang Dablo Street, sa Purok Bagong Silang, Brgy. Sta. Lucia, nang tumapat ang isa pang […]