6 na sundalo, sugatan sa pakikipagbakbakan sa ilang miyembro ng Maute group

LANAO DEL SUR, Philippines (Eagle News) — Sugatan ang anim na sundalo sa pakikipagbakbakan sa natitira pang mga miyembro ng ISIS-inspired group na Maute sa Lanao del Sur.

Ayon kay Army Spokesman Major Ronald Suscano, naka-engkwentro ng mga tropa ng Joint Task Force Ranao ang sampung miyembro ng Maute na nagresulta sa pagkasugat ng anim na tropa ng pamahalaan.

Nagsimula ang engkuwentro noong Sabado ng umaga nang rumesponde ang mga sundalo sa ulat ng ilang residente na may namataan silang armado sa lugar sa isang distrito sa Lanao Del Sur.

Sinabi ni Major General Roseller Murillo, commander ng 1st infantry division ng Philippine Army, tumagal ng 35 minuto ang bakbakan.

Nakuha ng mga sundalo ang matataas na kalibre ng armas mula sa mga nagsitakas na rebelde.

https://youtu.be/0JDwhK7jchc