Bumbero, sugatan sa sunog sa Pasong Tamo, Quezon City

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Isang bumbero ang nasugatan habang rumeresponde sa naganap na sunog sa barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Dahil sa mabilis n pagkalat ng apoy, agad itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog.

Isangdaan at dalawamapung pamilya ang naapektuhan ng sunog at tinatayang humigit kumulang kalahating milyon ang halaga ng napinsala ng sunog.

Wala namang naitalang sugatan mula sa mga residente pero sa kasagsagan ng pag-apula ng apoy isang bumbero ang nadaganan ng pader.