Binay, hindi pa magreretiro sa politika

Screen shot 2016-06-09 at 9.26.37 PM(Eagle News) — Wala pa umanong plano si Vice President Jejomar Binay na magretiro sa politika  kahit natalo sa pagka-presidente nitong 2016 elections.

Ayon sa chief of staff ni Binay na si Undersecretary Benjamin Martinez, hindi umano niya alam kung ano ang plano ni outgoing Vice President Binay pero interasado aniya ito na palakasin ang kaniyang political party na United Nationalist Alliance (UNA) at ang mga miyembro nito lalo na’t  maraming  nanalong UNA candidates sa local elections.

Samantala, sinimulan na rin ni Binay ang pag-iimpake ng kaniyang mga gamit sa Coconut Palace.

Ayon kay Martinez, malapit na nilang matapos ang pagliligpit sa mga gamit ni Binay sa kaniyang opisina.

Nasa 10 balikbayan boxes na aniya ang kanilang na-iimpake na naglalaman ng mga libro at souvenirs na ibinigay kay Binay.