Bank accounts ni Duterte, galing sa illegal transaction – Trillanes

Eagle News — Galing umano sa mga iligal na transaksyon ang mahigit 211 million pesos sa bank accounts ni Davao Mayor Rodrigo Duterte na hindi idineklara sa kaniyang statement of assets liabilities at net-worth.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes ito ang nadiskubre nila sa mga ibinigay na dokumento kaugnay ng mga itinatagong ari-arian ni Duterte.

Ipinakita ni Trillanes sa media ang mahabang listahan ng bank records ni Duterte pero tumanggi munang idetalye ang laman nito dahil bini-verify pa ng mga accountant.