Bagyong Enteng, inaasahang lalabas ng PHL bukas

Isa nang ganap na bagyo na pinangalanang “Enteng” ang low pressure area na namataan sa Batanes.
Ayon sa PAGASA, tinatayang magiging katam-taman hanggang malakas ang ulan sa 2 hundred kilo-meter diameter ng bagyo.
Nasa 695 kilometers ang sentro ng bagyong Enteng sa hilagang silangan ng Itbayat, Batanes at may lakas ng hanging nasa 55 kilometers kada oras.
Inaasahang kikilos ang bagyo sa 18 kilometer kada oras pa-hilagang silangan at nasa 1090 kilometer north-east bukas at 1250 kilometers north-east ng Itbayat, Batanes sa Sabado na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.

https://youtu.be/wGLQycscs20