Atensiyon ng DOJ sa kasong isinampa ng itiniwalag na INC minister, kinwestiyon ng law expert

Ipinagtaka rin ng law expert na si Atty. Tranquil Salvador kung bakit binigyan ng espesyal na atensiyon ng Department of Justice (DOJ) ang kasong isinampa ng itiwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo laban sa ilang lider ng INC.

Sa panayam ng “Sa Ganang Mamamayan”, sinabi ni Salvador na isang malaking katanungan kung bakit binibigyang prioridad ni justice secretary leila de lima ang kasong isinampa ng itiniwalag INC minister na si Isaias Samson Jr., gayung may mas malalaking kaso ang dapat unahin ni de Lima gaya ng Mamasapano massacre at isyu ng pork barrel scam.