Assembly ng INC vs de Lima tampok din sa social media

AUGUST 28 (Eagle News) — Hindi papipigil ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na makiisa sa isinasagawang assembly sa harap ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa lungsod ng Maynila.

Ipinoprotesta ng mga miyembro ng INC ang pakikialam ni Justice Secretary Leila de Lima sa internal affairs ng INC. Nang i-utos ang imbestigasyon sa umano’y pagdukot sa ilang miyembro nito.

Kuha sa ibat ibang social media sites ang mga larawan ng kanilang pakikiisa sa pagtitipon ng INC.

Gamit ang makukulay na mga plakard at streamers na may nakasulat ng pagtuligsa sa kalihim ng katarungan, Justice Secretary Leila de Lima.