Andanar: SONA ni Duterte ‘very powerful’

QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Asahan umano na magiging makabagbag damdamin ang speech ni President Rodrigo Roa Duterte sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang SONA ni Pangulong Duterte ay tiyak na pupukaw sa pagiging makabayan ng bawat Pilipino.

Sa katunayan aniya ay napaluha siya noong una niyang nabasa ang magiging speech ni Pangulong Duterte sa SONA nito.

Umabot din daw sa 10 revisions ang speech ng Pangulo na siya rin mismong nagsulat.

Asahan naman umano na tatagal speech ng hanggang 38 minuto, pero kung isasama daw ang mga palakpakan at adlibs nito, posible raw tatagal pa ito.