Anak ni incoming president Duterte, nahuling lumabag sa anti-speeding ordinance

Screen shot 2016-06-17 at 7.59.43 PM(Eagle News) — Hindi pinalampas ng mga traffic police ang Davao City re-elected Vice Mayor at anak ni incoming president Rodrigo Duterte na si Paolo “Pulong” Duterte matapos lumabag sa anti-speeding ordinance ng lungsod.

Sa kanyang facebook account, ipinakita ng anak ni incoming president Duterte ang kanyang overspeeding violation ticket.

Sinabi nito na nahuli aniya siya habang tumatakbo ng 57 kilometers per hour ang kaniyang sasakyan gayong ang dapat na bilis sa Bangkal street kung saan siya nahuli ay dapat na nasa 40 kph lang.

Nagmamadali umano siyang makauwi ng bahay  nang mahuli at unang beses aniya itong nahuli.

Pinuri naman ng mga netizen ang nakababatang Duterte dahil sa ipinakita anila nitong respeto sa batas.