Aide ni Sen. De Lima na idinawit sa house probe, hawak na ng PSG

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kinumpirma ni Presidential Security Group (PSG) Chief Brigadier Gen. Rolando Bautista na nasa kustodiya na nila si  Air Force  Sgt. Jonel Sanchez bago pa ang imbestigasyon ng kamara sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni Bautista na naka-assign si Sanchez bilang security aide ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ayon kay Bautista, si Sanchez ay nagtrabaho bilang security aide ni Sen. Leila De Lima sa loob ng limang taon noong justice secretary pa ang senadora.

Napag-alamang dalawang taon pa lamang ito sa trabaho ay nakapagpundar na ng bahay at nakabili rin ng kotse.