AFP nanawagan sa publiko na huwag magpakalat ng ‘fake news’ kaugnay ng Resorts World attack

Umapela ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko na huwag nang magpakalat ng mga nakaaalarmang mensahe o fake news kasunod ng nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila, kaninang madaling araw, Hunyo 2 .

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, dapat maging responsable ang mga social media user at huwag nang magpakalat ng mga nakakaalarmang mensahe na maglilikha ng overreaction sa panig ng publiko.

“Generally, a lot of quarters overreact to situations like these especially [since] we are having all these events in Mindanao following the declaration of martial law and the hostilities in Marawi,” ayon kay Padilla.

Kinakailangan aniyang  manatiling kalmado ang publiko dahil ang nasabing insidente ay hindi isang “act of terrorism.”

“Be discerning on what you get on social media and find out if there is basis to believe that news… Do not pass on any news that may be fake,” dagdag na pahayag ni Padilla.