AFP at PNP, susundin ang atas ng Pangulo na ipaubaya na sa KADAMAY ang Pandi, Bulacan housing units

(Eagle News) — Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP)  at  Philippine National Police (PNP)  na sumunod sa utos ng Pangulo na ipaubaya na sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang mga bahay sa Pandi, Bulacan na puwersahang inokupa ng grupo noong nakaraang buwan.

Katunayan, kinakausap na raw ng AFP ang kanilang mga sundalo para ipaliwanag ang utos ng Pangulo at ibalita.

Gayunman, hindi na raw pahihintulutan ng PNP na okupahin din ng grupo ang iba pang housing project at mga sa ibang lugar sa bansa.