By Mar Gabriel
Eagle News Service
(Eagle News) — Sinampahan na ng patong patong na kasong kriminal sina SPO2 Raul Nadera at PO3 Anthony Tecson na pawang nakatalaga sa traffic enforcement unit ng Quezon City Police District (QCPD).
Kinasuhan ang dalawa matapos mahuli sa akto na nangongotong sa mga motorista sa Quezon City kasama mga tauhan ng anti-smoke belching unit.
Kabilang sa isinampa sa kanila ang robbery extortion, anti graft and corrupt practices act at code of conduct and ethical standard for public officials.
Sinampahan naman ng hiwalay na kaso ng illegal possession of firearms si Tecson dahil sa hindi lisensyadong baril na gamit nito.
Hepe ng traffic enforcement unit ng QCPD, sinibak sa puwesto
Dahil sa insidente, sinibak na rin sa puwesto ni QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar ang hepe ng nila na si SPO4 Rodentor Fajardo.
Iniimbestigahan na rin ng QCPD kung may kinalaman ito sa diskarte ng dalawang tauhan.
Sa ngayon inirekomenda na ng QCPD na ilipat ang tatlo sa ncrpo police holding and accounting unit habang patuloy na iniimbestigahan.