MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak naman ni Philippine National (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi magiging hadlang ang kinasasangkutang kontrobersiya ng PNP sa pangunguna nito sa kampanya ng pamahalaan kontra droga.
Sinabi ni Dela Rosa, bagamat apektado ang PNP sa kontrobersiya sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo hindi sila magpapa-apekto sa kontrobersiya at sa halip lalo pa nilang palalakasin ang war on drugs campaign.
Para sa pnp CHIEF, kanila nang kinukunsiderang nalutas na ang kaso dahil sa pag-aresto kay SPO3 Ricky Sta. Isabel na siyang prime suspek sa krimen.





