PNP Chief Dela Rosa, ‘di kailangang mag-resign – SP Koko Pimentel

MANILA, Philippines (Eagle News) — Walang dahilan para magbitiw si  Philippine National Police (PNP) Chief Director Generald Ronald “Bato” Dela Rosa sa kabila ng pagdukot at pagpatay umano ng mga Scalawag na pulis sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-Joo sa loob mismo ng Camp Crame.

Ito ang pahayag ni Senate President Koko Pimentel sa panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mag-resign si Dela Rosa matapos ang krimen na naganap mismo malapit lamang sa tanggapan  ng PNP Chief.

Bagaman maituturing na naresolba na ang krimen mas marami aniyang kasong dapat pagtuunan ng pansin si Dela Rosa gaya ng mga kaso ng death under investigation na umabot na sa bilang na tatlong libo (3,000).