900 sasakyan na sangkot sa rent-sangla modus, narekober ng PNP-HPG

MANILA, Philippines (Eagle News) — Umabot na sa siyam na raang (900) sasakyan ang involve sa rent-sangla modus ang narecover ng Philippine National Police- Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Kahapon, Pebrero 20 sinimulan na ng PNP- HPG ang pag-proseso sa mga sasakyan para maibalik sa mga orihinal na may-ari na itinuturing na first victim.

Nakapaghain na ng kasong large scale estafa ang PNP-HPG sa Department of Justice laban sa mga lider ng sindikato kabilang na sina Rafaela Anunciacion Constantino Rosales, Anastacia Canyan, Jhennel Berroya at Tychicus Historillo Nambio.

Hiniling na rin nila na magpalabas ng lookout bulletin ang DOJ laban sa mga suspek para hindi makatakas at magtago sa labas ng bansa.