2nd Round ng Pilipinas Debates 2016 inihahanda na

Puspusan na ang paghahanda ng University Of The Philippines-Cebu sa ikalawang presidential debate.

Nakatakdang idaos sa performing arts hall ng UP-Cebu sa March 20 ang ikalawang tagisan ng mga presidentiables.

Nabatid na 500 katao ang kapasidad ng nasabing venue at tanging ang mga accredited media organizations lamang ang papayagang makapasok dito.

Tiniyak naman ng organizers na aayusin ang mga nakitang gusot sa unang presidential debate na isinagawa Sa Cagayan De Oro City noong nakalipas na araw ng linggo.