2 solons, kasama sa Nacro-list

MANILA, Philipines (Eagle News) — Kinumpirma ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may dalawang incumbent congressmen ang kasama sa Narco List ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, tumanggi si Alvarez na pangalanan ang dalawang kongresista.

Tiniyak naman ni Alvarez na naberipika nang husto ang impormasyon kaugnay rito at maging siya ay nagsagawa rin ng sariling beripikasyon.

Protektor umano ng sindikato ng droga ang papel ng dalawang nasabing kongresista.

Maliban aniya sa mga ito, may mga Gobernador, Alkalde, Hukom at Heneral din sa Narco List ng Pangulo.