‘Welcome Kapatid Ko’ isinagawa sa Aklan

Bago matapos ang taong 2015 ai iniwan itong masaya ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lokal ng Banga distrito ng Aklan. Isang aktibidad ang kanilang isinagawa na tinawag nilang ‘Welcome Kapatid Ko’.

Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga kapatid sa loob ng Iglesia Ni Cristo at maging ang mga nasa proseso pa lamang ng pag-anib. Layunin ng aktibidad na ito na maipada ang mga kaanib sa INC ang kanilang maalab na pag-ibig at pagmamalasakit.

(Agila Probinsya Correspondent Alan Gementiza)