Welcome Kapatid Ko, isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Lanao

ILIGAN CITY, Lanao —  Masiglang nakiisa ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Lokal ng Iligan City, Distrito ng Lanao sa isinawagang “Welcome Kapatid ko” na isinagawa sa Barangay Gym, Tibanga, iligan City nito lamang Linggo, Mayo 30. Nagsimula ang nasabing aktibidad ng 3:00 ng hapon.

Layunin ng mga ganitong programa ng Iglesia Ni Cristo na mabigyang halaga ang bawat kaanib lalo na nga mga nagsusuri at at nasa uring umaanib pa lamang sa Iglesia (Sinusubok at Dinudoktrinahan).

Sa pangunguna ng kanilang Destinado na si Abelardo Sison III, nagsagawa sila ng mga palaro na sinalihan naman ng mga dumalo.

Bago nila natapos ang nasabing aktibidad ay  nagkaroon ng salu-salo.