#WalangPasok: Klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa siyudad ng San Jose Del Monte, kanselado na

(Eagle News) — Kinansela na ngayong umaga, Martes, Hulyo 17, ni Mayor Arthur Robes ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Epektibo ang suspensyon ng klase mula alas-diyes ng umaga ngayong Martes.

Ayon naman sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasama ang lalawigan ng Bulacan sa orange heavy rainfall warning signal at inaasahang bubuhos ang malakas na pag-ulan hanggang mamayang hapon.

Pinayuhan naman ang mga punong guro na panatilihin ang mga mag-aaral na nasa mga paaralan na hanggang sa tumila ang malakas na pag-ulan kung kailan maaari nang pauwiin ang mga estudyante sa kanilang mga tahanan.Rene Boy Ronda