Voter’s registration ng Barangay at SK Elections hindi muna tuloy ngayong Oktubre

Source: www.comelec.gov.ph
Source: www.comelec.gov.ph

MANILA (Eagle News) – Inanunsyo na ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi muna itutuloy ang pagbubukas ng voter’s registration nitong Lunes, October 3.

Ayon kay COMELEC Spokeperson James Jimenez, nagpasya silang huwag munang simulan ang pagpapatala ng mga botante para sa 2017 Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil hindi pa lubusang naipapasa ang batas na nagpapaliban sa 2016 Barangay at SK Election.

Umaasa si Jimenez na makapaglalabas sila ng opisyal na Resolusyon sa muling pagpapatuloy ng Voter’s Registration sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Jet Hilario – EBC Correspondent