Vietnamese envoy, nagpasalamat sa PHL Navy sa pagkakaligtas sa kababayang nakidnap sa Basilan

(Eagle News) — Personal na nagpasalamat si Vietnamese Ambassador Quoc Tuan kay Navy Chief Vice Admiral Ronald Joseph  Mercado dahil sa matagumpay na pagkakaligtas sa kababayang binihag  sa Basilan.

Sa naturang event, nai-turn over na rin ng Navy ang nailigtas na Vietnamese sailor na si Do Trung Huiqe nitong Agosto 20 sa Mataja Island, Basilan.

Nangako naman si Navy Chief Vice Admiral Mercado na tuloy ang kanilang operasyon para mailigtas ang ilan pang bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ang mga tripulanteng Vietnamese ay nakidnap noong Nobyembre noong nakalipas na taon (November 2016).

https://youtu.be/zNOVSG0vlTA