Tulong pinansiyal ipinagkaloob sa mga biktima ng bagyong Lando sa Llanera, Nueva Ecija

Pinagkalooban ng tulong pinansiyal ang mga residente ng Llanera, Nueva Ecija matapos na manalanta ang bagyong “Lando” nitong nakaraang buwan.

Ang tulong pinansiyal na ito ay ipinagkaloob sa tinatayang 340 pamilya na kabilang sa ‘partially damaged households’ at 40 pamilya naman sa ‘totally damaged households’.

(Agila Probinsya Correspondent Emil Baltazar)