DIMATALING, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Arestado ang itinuturing na top eight high-value target ng pulisya sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Zamboanga del Sur.
Kinilala ang naarestong suspek sa Purok 7, Sitio Quarry, Dimataling na si Rey Aso alyas “Tuloy,” residente sa nabanggit na lugar.
Isang PDEA agent ang nagpapanggap na buyer gamit ang P300 na marked money at nakipagkita sa suspek mismong bahay nito.
Nang magkapilitan na ng droga at marked money, agad nagbigay hudyat ang PDEA agent sa kaniyang mga kasamahan at mga pulis at mabilis na inaresto ang suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu na ginamit sa buy-bust operation at ang P300 pesos na marked money.
Nakuha rin ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu.
Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa PDEA lock-up cell habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002. (Eagle News Service)





