Tips konta-rabies

Maigting ngayon ang kampanya ng ating pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng rabies sa bansa, dulot ng mga aso sa ating kapaligiran at ating mga alaga, sa pamamagitan ng pag-iinject o pagtuturok sa mga ito ng mga gamot kontra rabies.

Narito ang mga palatandaan ng isang tao na dinaluyan o nagtataglay ng rabies matapos makagat ng aso.

Unang palatandaan

  1. Nahahapo o nanghihina
  2. Masasakit ang mga kalamnan
  3. Ayaw kumain
  4. Masakit ang ulo
  5. Nilalagnat

Mga palatandaan na umabot na ang rabies sa utak ng tao

  1. Nagiging wild o mistulang baliw
  2. Ayaw ng tubig
  3. Ayaw ng hangin
  4. Ayaw ng liwanag

Palatandaan ng aso na nagtataglay ng rabies at dapat iwasan

  1. Walang tiyak na direksyon kapag tumatakbo
  2. Mabagsik, nanlilisik ang mga mata at may pagkakataong naglalaway o bumubula ang bibig
  3. Kinakagat kahit anong bagay na makita
  4. Kung nakagat ng aso, agad na hugasan ng malinis na tubig at sabuning mabuti. Iwasan na pahiran o tapalan ng kahit ano, na makapagdudulot ng inpeksyon.
  5. Dalhin agad sa doktor kung grabe ang kagat ng aso.