(Eagle News) — Bumagsak sa 9.2 degrees Celsius ang temperatura sa baguio city ngayong araw, Enero 30.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical And Astronomical Services Administration-Baguio, alas 5:00 ng umaga naitala ang naturang temperatura na mas mababa pa kumpara sa 9.8 degrees Celsius na naitala dalawang araw ang nakararaan.
Ito na ang pinakamababang temperatura sa Baguio City na naitala ngayong Enero 2019.
https://youtu.be/jM3Ml8OfSs8





