“Teach for the Philippines” isusulong sa mga elementary level

Tatlong buwang isusulong sa paarang elementary ng Southville 4 Elementary School, Sta. Rosa City Laguna na magsisimula sa Agosto at magtatapos sa buwan ng Setyembre ng taong kasalukuyan ang “Teach for the Philippines”.

Layunin ng aktibidad na ito na malinang ang kakayahan ng mga batang mag-aaral sa pagbabasa. Ang “Teach for the Philippines” ay mayroong tema na pinamagatang “O! kay sarap matutong magbasa!”

(Agila Probinsya Correspondent Edna Mayores)