IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Sumabit sa kawad ng kuryente ang likurang bahagi ng isang dump truck sa Bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Nangyari ang naturang insidente nitong Biyernes ng umaga, December 9. Sa imbestigasyon napag-alaman na nagkamali ang driver ng dump truck dahil sa halip na kumambyo ito ay tumaas ang gawing likuran ng nasabing sasakyan kaya sumabit sa kable ng kuryente. Dahil sa pangyayari ay hindi muna pinadaanan ang national highway sa gawing […]
Tag: Zamboanga Sibugay
Mass Blood Donation ng Iglesia Ni Cristo
ZAMBOANGA Sibugay — Bumuhos ang malaking bilang ng mga mamamayan sa capitol site ng Zamboanga Sibugay mula sa kani-kanilang munisipalidad upang makipagkaisa sa isinagawang Mass Blood Donation ng Iglesia Ni Cristo. Ito ay pinangunahan ng mga miyembro ng SCAN International samantala nakipagsiksikan naman ang marami upang makatugon sa aktibidad ng Iglesia. May mga pumila ring senior citizens sa hangaring makipagkaisa sa naturang aktibidad. May mga hindi nakapasa sa panuntunan ng doh sa iba’t ibang kadahilanan […]
Mangrove tree planting activity sa Zamboanga Sibugay
By Jen Alicante Eagle News Service ZAMBOANGA Sibugay, Pebrero 10 — Pinangunahan ng halos dalawang-daang mga graduating student at mga guro ng Western Mindanao State University-External Studies Unit ang isang mangrove tree planting activity sa baybaying bahagi ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Nakilahok rin sa nasabing aktibidad ang 102nd brigade Igsoon Troopers at mga lokal na opisyal ng Sitio Luget sa barangay Pangi. Aabot naman sa apat-na-raang mangrove seedling ang naitanim sa lugar.
Dawalang uri ng species ng pawikan natagpuan sa Ipil, Zamboanga Sibugay
Dalawang magkaibang species ng pawikan ang nahuli ng mga mangingisda sa Ipil, Zamboanga, Sibugay. Agad naman itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad para maobserbahan ang mga nahuling pawikan bago ito pinakawalan. (Agila Probinsya Correspondent Jen Alicante)
Peace dialogue, isinagawa sa Zamboanga Sibugay
ZAMBOANGA Sibugay, Philippines, April 17 (Eagle News) — Isinagawa ng Philippine National Police (PNP) sa Naga, Zamboanga Sibugay ng isang peace dialogue na dinaluhan ng maraming pinunong Muslim. (Agila Probinsya)





