Mangrove tree planting activity sa Zamboanga Sibugay

By Jen Alicante
Eagle News Service

ZAMBOANGA Sibugay, Pebrero 10 — Pinangunahan ng halos dalawang-daang mga graduating student at mga guro ng Western Mindanao State University-External Studies Unit ang isang mangrove tree planting activity sa baybaying bahagi ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Nakilahok rin sa nasabing aktibidad ang 102nd brigade Igsoon Troopers at mga lokal na opisyal ng Sitio Luget sa barangay Pangi.
Aabot naman sa apat-na-raang mangrove seedling ang naitanim sa lugar.