(Eagle News) — Tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magbibitiw siya sa pwesto sakaling maramdaman niyang wala nang tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya. Ito ay sa harap ng isyu ng katiwalian sa Bureau of Immigration na nasa ilalim ng Department of Justice at kinasasangkutan pa ng mga “ka brod” nila ng Pangulo sa fraternity. Pero sinabi ni Aguirre na sa ngayon ay naniniwala siya na kumpiyansa pa rin sa kanya ang Presidente.
Tag: Pangulong Rodrigo Duterte
Reinstatement ni Supt. Marcos, di na kailangan ipaliwanag – Duterte
MANILA, (Eagle News) — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na kailangang magpaliwanag pa kung bakit ibinalik sa puwesto si CIDG Region 8 Chief na si Superintendent Marvin Marcos. Aniya, bilang chief executive nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan ang pulisya.
Mayor Janihim ng Kalawit, Zamboanga del Norte pinabulaan na protektor siya sa mga nagtutulak ng illegal na droga
KALAWIT, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nagpatawag ng press conference ang Municipal Mayor sa Kalawit, Zamboanga del Norte na si Mayor Gammar Janihim na kilala rin sa pangalang Haji Belong. Isinagawa sa Provincial Information Office, Zamboanga del Norte Convention Center, Estaka, Dipolog City nasabing press con. Nais aniya ni Mayor Janihim na linisin ang kanyang pangalan sa alegasyon na number 2 siya sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao na protector o involved diumano […]
Department of Agriculture pinatitiyak sa BFAR na sapat sa buong bansa ang supply ng isda
MANILA, Philippines (Eagle News) – Pinatitiyak ngayon ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kailangang sapat ang suplay ng isda sa pamilihan sa bansa. Kasunod ito ng direktiba mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking sasapat ang mga ibinebentang isda sa mga palengke partikular na ang bangus at tilapia. Matatandaan na ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa DENR at BFAR na tanggalin na ang mga Fish Pens sa Laguna Lake para hindi […]
Dabawenyo, lalong hinangaan si Pangulong Duterte, matapos ang unang SONA
DAVAO City (Eagle News) — Lalo pang hinagaan ng mga Dabawenyo ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos ang kauna-unahang nitong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, July 25. Matiyagang inabangan at kinasabikan ng lahat lalo pa’t ang tinuturing na ama ng Davao at tinatawag ng ilan na “Tatay Digong” ay nagpakahayag na muli ng kaniyang mga plano at gustong mangyari para sa kapakanan ng lahat. Sa lungsod ng Davao, bagama’t naging masungit ang panahon […]
Gov’t workers na sosobra sa lunch break, sibak
MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggal agad sa trabaho ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na lumalagpas sa kanilang lunch break at tumatakas para mamasyal sa mga mall. Sinabi ni Pangulong Duterte na dapat isipin lagi ng mga manggagawa sa national at local government offices na binabayaran sila ng mga mamamayan para magtrabaho ng walong oras. Ayon kay Duterte, ang mga empleyadong wala sa kanilang tanggapan pagkatapos ng […]
VP Robredo pormal nang nanumpa bilang pinuno ng HUDCC
MANILA, Philippine (Eagle News) — Pormal nang nanumpa si Vice President Leni Robredo bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Ang oath-taking ay pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa palasyo ng Malacañang. Sinaksihan ito ng tatlong anak ni Robredo na sina Aika, Tricia At Jillian. Target ni Robredo na tutukan ang backlog ng HUDCC. https://youtu.be/TI3PbpBK7Ss
NAPOLCOM to finish probe of PNP generals tagged in illegal drug operations in one week
MANILA, Philippines (Eagle News) — Just one week. That’s the time given by the National Police Commission (NAPOLCOM) within which it would finish its investigation of the five generals tagged by President Duterte in the illegal drug operations NAPOLCOM Vice Chair Rogelio Casurao said that after one week, they would know whether to proceed with summary dismissal proceedings for the three active Philippine National Police generals named by the President in his speech during the […]
Pangulong Duterte, titira sa Bahay Pangarap
MANILA, Philippines (Eagle News) — Ang “Bahay Pangarap” sa Malacañang ang magiging opisyal na tirahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at lilipat na siya sa susunod na linggo. Kinumpirma ito ni Presidential Management Staff o PMS Chief Christopher “Bong” Go. Sa Bahay Pangarap din napiling tumira ni dating Pangulong Benigno Aquino III. Ang naturang bahay ay nasa loob ng compound ng Presidential Security Group na may “resort ambience”. Sumailalim na ito sa renovation at may idinagdag […]





