Mayor Janihim ng Kalawit, Zamboanga del Norte pinabulaan na protektor siya sa mga nagtutulak ng illegal na droga

KALAWIT, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nagpatawag ng press conference ang Municipal Mayor sa Kalawit, Zamboanga del Norte na si Mayor Gammar Janihim na kilala rin sa pangalang Haji Belong. Isinagawa sa Provincial Information Office, Zamboanga del Norte Convention Center, Estaka, Dipolog City nasabing press con.

Nais aniya ni Mayor Janihim na linisin ang kanyang pangalan sa alegasyon na number 2 siya sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao na protector o involved diumano ito sa illegal na druga. Naniniwala siyang kagagawan lamang diumano ito ng kalaban niya sa politika.

Ayon sa alkalde,  huwag sanang paniwalaan kaagad ang anumang report lalo na kung mula ito sa kaniyang mga kalaban sa politika. Dagdag pa niya na maaring magtanong din sa mga religious sector upang malaman kung ano talaga ang tunay niyang pagkatao.

Bago ang naturang press conference ay nakipagkita si Mayor Janihim kay Police Senior Supt. Edwin BC. Wagan, Acting Provincial Director sa Zamboanga del Norte Police Provincial Office.

Samantala nag negatibo naman sa isinagawang drug test ang nasabing mayor.

Courtesy: Rosevelt Mondinido – Zamboanga del Norte Correspondent

IMG_20160808_172451

IMG_20160808_173144

IMG_20160808_174802