Ni Kimberly Urboda Eagle News Service ORMOC CITY, Leyte – Isang baby dolphin ang napadpad sa baybayin sa Brgy. Macabug Bay, Ormoc City, Leyte kamakailan. Ayon kay Irish Belmonte, Section Head ng Fishery Research & Development, posibleng napadpad ang dolphin sa baybayin dahil sa malakas at malalaking alon. Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng Bureau of Fisheries Ormoc City ang nasabing dolpihin. Pansamantala muna itong aalagaan bago pakawalan dahil sa malalakas pa ang alon […]
Tag: Ormoc City
Isinagawang Aid for Humanity ng Iglesia Ni Cristo sa Ormoc City, ginawaran ng pagkilala
(Eagle News) — Kinilala ng pamahalaang lungsod ng Ormoc ang isinagawang Aid for Humanity or Lingap sa Mamamayan nitong Oktubre 29 ng Iglesia Ni Cristo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang “Plaque of Appreciation” nitong Martes, Nobyembre 7, sa pangasiwaan ng Iglesia Ni Cristo sa lokal ng Ormoc City. Buong pusong nagpasalamat ang pamahalaang lunsod ng Ormoc sa mga kaanib ng INC sa napakalaking tulong sa pamamagitan ng Lingap sa Mamamayan na isinagawa sa Brgy. […]
5.1 magnitude quake shakes Albuera, Ormoc City in Leyte
(Eagle News) – A magnitude 5.1 quake shook Albuera, Leyte, with a depth of only five kilometers and with its epicenter five kilometers northeast of this Leyte town. The strong shallow quake occurred at 6:26 a.m. on Wednesday, August 23, and was felt at intensity 5 in Ormoc City and in Albuera. Leyte; at intensity 4 in Pastrana, Leyte; and at intensity 3 in Tacloban City and Palo, Leyte. The Philippine Institute of Volcanology […]
Mga residente na malapit sa pinangyarihan ng landslide sa Leyte, pinalilikas na
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Pinayuhan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ilang mga residente sa Leyte na lumikas na agad. Ito ay dahil sa ang ilang lugar sa Leyte ay nakaranas ng landslide matapos ang pagtama ng magnitude-6.5 na lindol, halos dalawang linggo na ang nakalilipas. Ayon kay DENR Region 8 Director Leonardo Sibbaluca, nananatiling mataas ang banta ng pagguho ng lupa sa mga naturang lugar dahil sa kalidad […]
Ormoc City placed under state of calamity
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – The entire Ormoc City has been placed under a state of calamity after properties were damaged by a series of earthquakes in the Visayas last week. Ormoc City Mayor Richard Gomez has also decided to suspend classes in all schools because of aftershocks. The mayor said that there was still no electricity in the area, which could explain why there was a shortage of clean drinking water. https://youtu.be/vDd0DFh_xEQ
Dalawang lalaki na nagpanic dahil sa aftershock, tumalon mula sa tinutulayang hotel
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Tumalon ang dalawang lalaki mula tinutuluyang dahil sa takot ng yanigin ng 5.4 magnitude na aftershock ang Ormoc City nitong Lunes, July 10. Nakilala ang dalawa na sina Edgar Tabaco, 46 taong gulang at Alexander Balang, 45 taong gulang na kapuwa taga-Quezon City. Agad namang naisugod sa pagamutan ang dalawa at stable na ang kanilang kalagayan. Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na sa ospital. Samantala, dali-daling naman inilabas ng mga […]
CSWDO Ormoc City inilabas na ang listahan ng top 5 most affected barangays sa nangyaring lindol
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Naglabas na ang City Social Welfare Development Office (CSWDO) ng Ormoc City ng listahan ng mga barangay na masyadong naapektuhan ng nangyaring lindol noong Huwebes, Hulyo 6. Ito ay ipinaskil sa Central Command Post at Ormoc City Hall. Ayon sa CSWDO ang Top 5 Most Affected Barangays ay ang mga sumusunod: Tongonan Milagro Cabintan Lake Danao Cabaon-an Ayon naman sa Ormoc City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC), sa […]
Klase sa Ormoc at Tacloban, suspendido dahil sa lindol
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa Ormoc City at Tacloban City dahil sa lindol. Ayon kay Tacloban City Mayor Cristina Gonzales, magsasagawa muna ng inspeksyon ang mga engineer sa mga school buildings upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante. Bukod sa mga eskwelahan, iinspeksyunin din ang lahat ng gusali sa lungsod. Samantala sinabi naman ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na magsasagawa rin sila ng pag-iinspeksyon sa mga […]
Ormoc City Blood Council, nagsagawa ng blood letting activity
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ng Ormoc City Blood Council ang isang blood letting activity nitong Biyernes, Mayo 26. Maaga pa lamang ay nagpuntahan na ang mga donor sa Ormoc City Evacuation Center, sa Brgy. Cogon, Ormoc City. Karamihan sa tumulong sa Ormoc City Blood Council ay mga sundalo na mula sa 52nd Infantry Battalion, mga miyembro ng React Ormoc City, at mga private individual. Ang Ormoc City Blood Council ay […]
24 barangay sa Ormoc, idineklarang drug-free
ORMOC City, Leyte (Eagle News) — Mahigit 20 na barangay ang idineklarang drug-free sa Ormoc. Idineklarang drug-cleared ang 24 na barangay matapos madeklarang malinis din ang siyam na barangay sa bayan naman ng Tubod sa Surigao Del Norte. Sumunod sa yapak ng siyam na barangay ang Brgy. Ipil, Alta Vista, District 26, District 19, District 17, District 1, Can-untog, Cogon, District 16, Brgy. Airport, Salvacion, Tambulilid, R.M Tan, Naungan, San Isidro, Curva, Punta, Don Felipe Larrazabal, […]
Mayor Richard I. Gomez, dumalaw sa ongoing exercise ng PH-US Balikatan forces
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Dinalaw noong Huwebes, May 11, ni Mayor Richard Gomez ang isa sa mga ongoing exercises ng PH-US Balikatan Forces sa Ipil Port ng Ormoc City, Leyte. Ang exercise ay may kinalaman sa pagtanggal ng debris sa lumang pier sa Brgy. Ipil, Ormoc City, na nagiging balakid sa pagdaong ng mga barko. Posible rin aniya itong magiging sanhi ng aksidente dahil hindi ito nakikita kapagka-high tide. Kasama sa pagdalaw ang PNP, US-UCT (Underwater Construction Team) […]
Paggunita sa National Heritage Month, isinagawa sa Ormoc City
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isinagawa noong Miyerkules, May 3 ang opening ceremony para sa isang buwang pagdiriwang ng National Heritage Month ngayong Mayo. Sa taong ito napili ang Ormoc City na pagdausan ng nasabing aktibidad. Ito ay may temang “Malasakit para sa Pamana.” Layunin ng lahat ng aktibidad na maipakilala sa mga bagong henerasyon ang kulturang Pilipino lalo na ang kakaibang kultura ng mga Ormocanon. Ang isa sa mga aktibidad na isinagawa sa pagbubukas ng isang buwang […]





