(Eagle News) — Bagamat target ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tapusin ang Manila Bay Rehabilitation sa loob ng anim na buwan, maaari pa itong umabot ng isang taon. Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni DENR Undersecretary Jonas Leones na hindi lang kasi Manila Bay ang lilinisin nila kundi pati na rin ang mga main tributaries na nakakonekta sa Manila Bay gaya ng Pasig River at Laguna de Bay. Samantala, habang […]
Tag: Maynila
Commercial building sa Sampaloc, Maynila nasunog
Ni Earlo Bringas Eagle News Service MAYNILA, Metro Manila (Eagle News) – Nilamon ng apoy ang apat na palapag na gusali sa Maynila nitong Miyerkules, Setyembre 5. Sa sobrang kapal ng usok na lumalabas sa gusali sa Claro M. Recto pasado alas nuebe ng gabi isinara muna ng mga otoridad ang kalsada sa lugar sa mga motorista. Mabilis namang nakaresponde ang mga bumbero. “Ang sunog ay nag-ooriginate dito sa baba, sa first floor. Ang difficult […]
DPWH, isasailalim sa road repairs ang ilang kalsada sa Quezon City at Maynila ngayong weekend
Ni Moira Encina Eagle News Service (QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Itutuloy ng DPWH ang pagkukumpuni ng ilang kalsada sa Quezon City at Maynila ngayong weekend. Sa Quezon City, isasailalim sa road repair ang dalawang sections sa EDSA at isang bahagi ng Batasan Road. Partikular na rito ang southbound direction ng EDSA mula sa harap ng Francesca Tower hanggang pagkatapos ng Scout Borromeo, 3rd lane mula sa Center Island; at ang northbound direction mula […]
Masterplan para maibalik ang dating ganda ng Maynila, nakalatag na
(Eagle News) – Upang maibalik ang dating ganda ng lungsod ng Maynila, inilatag ni 6th District Representative Sandy Ocampo ang masterplan nito para sa lungsod. Sagot aniya ito sa lumalalang sitwasyon ng Maynila sa usapin ng kalagayan nito kung ikukumpara sa mga kalapit na lungsod na tuluyan nang umunlad gaya ng Quezon City at Makati City. Paliwanag ng mambabatas, minsan nang tinaguriang “Paris of Asia” ang lungsod pero paglipas aniya ng panahon ay nawala ang […]
Pagdagsa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo at kanilang mga panauhin sa Maynila, nagpapatuloy
By Mar Gabriel Eagle News Service Tuloy tuloy ang pagdagsa ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo at kanilang mga panauhin dito sa Luneta Park para sa isinasagawang lingap laban sa kahirapan ng INC. Sa huling crowd estimate ng Manila Police District, aabot na sa 25000 ang nandito ngayon sa bisinidad ng Luneta at Quirino Grandstand. Magkatuwang ang mga tauhan ng MPD at Scan International sa pagbibigay seguridad dito sa isinasagawang aktibidad. Bagaman pabugso bugso […]
MMDA, nagsagawa ng clearing operations sa Geronimo St., Sampaloc, Maynila
Meanne Corvera Eagle News Service Upang aksyunan ang mga reklamo sa Presidential hotline 8888 ukol sa illegal parking sa Sampaloc, Maynila, inalis ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga nakahambalang sa daloy ng trapiko sa isang kalye sa Manila City. Pinangunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim ang joint operations ng miyembro ng Special Operations Task Group at Manila City Anti-Illegal Parking Operations Team sa pagsasaayos ng Geronimo Street, Barangay 432-Zone 44 sa Sampaloc. […]
P1.1 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Maynila; 3 arestado
Ni Paolo Macahilas Eagle News Service MAYNILA, Philippines – Nasabat ng mga otoridad ang P1.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang establisimyento sa Maynila nitong Martes ng gabi, ika-3 ng Abril. Arestado ang dalawang lalaki at isang babae na kinilala pa lamang sa kanilang mga alyas sa isinagawang operasyon ng Manila Police District Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region at MPD Station 3 sa Binondo. Ayon kay Police […]
Dalawang holdaper patay matapos makipagbarilan sa CIDG-Manila; isa sa mga suspek nakatakas
Ni Paolo Macahilas Eagle News Service MAYNILA, Metro Manila (Eagle News) – Dead-on-the-spot ang dalawang holdaper matapos umanong makipagbarilan sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Lawton, Maynila kamakailan. Ayon sa biktima na itinago sa pangalang Jane, naglalakad siya pauwi galing sa isang food chain nang bigla siyang tutukan ng baril ng isa sa mga suspek na nakasakay sa motorsiklo. “Bigla na lamang pong hinablot yung bag ko tapos may nakatutok […]
11 kabataan huli sa aktong gumagamit ng marijuana sa Maynila
(Eagle News) — Labing isang kabataan ang nasakote ng mga mga pulis matapos mahuling gumagamit ng marijuana sa Maynila, Huwebes ng gabi. Walo sa mga nahuli ay mga menor de edad pa, habang ang tatlo naman dito ay nasa hustong gulang na. Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad sa CCTV ang kumpol-kumpol na mga kabataan sa isang footbridge sa Lacson Ave. sa panulukan ng Sampaloc, sakop ng Barangay 435, Zone 44. Nang puntahan umano […]
Kalat ng mga dumalo sa Traslacion ng mga Katoliko, nagkalat sa lansangan
MANILA, Philippines (Eagle News) — Kabi-kabilang basura ang iniwang bakas ng mga sumama sa prusisyon ng itim na Nazareno ng mga kababayan nating Katoliko na ginanap sa lungsod ng Maynila kahapon, Enero 9. Samu’t-sari ang mga ito tulad ng mga bote ng alak, mga styro na karamihan ay may laman pang pagkain at mga plastic cup na binili hindi kalayuan sa isang convenience store. Mayroon naman mga street sweeper na itinalaga ang Metropolitan Manila Development […]
Sunog sumiklab sa Tondo, Manila; limang bahay nadamay
TONDO, Manila (Eagle News) — Isang sunog ang naganap sa Corcuerra, sa kanto ng Dandan Street, nitong Martes, November 28. Ayon sa ilang residente, nagsimula ang sunog sa ganap na 11:25 ng umaga. Nagmula ang sunog sa kisame ng isang bahay at kumalat na ang apoy nito hanggang nadamay na ang mga kalapit pang bahay. Umabot sa ikalawang alarma ang nasabing sunog, na tumupok sa limang bahay na pawang mga gawa sa light materials. Bandang […]
Apat katao, sugatan sa nangyaring aksidente sa Roxas Boulevard
MAYNILA, Philippines (Eagle News) – Wasak ang helmet, nagtamo ng mga galos sa tuhod at balikat ang isang motor rider matapos makabangaan ang isang tricycle sa may Quirino Corner Roxas Boulevard sa Maynila nitong Huwebes ng madaling araw, August 24. Ayon sa rider na si Kim Bolatao, galing siya ng Pasay City at patungo na sana sa Binondo, Maynila upang pumasok sa trabaho nang maaksidente dahil biglang kumaliwa papuntang Taft Avenue ang tricycle na minamaneho ng […]





