Tag: Lingap Pamamahayag

Lingap-Pamamahayag sa Antipolo City, pinangunahan ng SCAN International

APIA, Antipolo City (Eagle News) — Tunay ngang walang mataas na bundok ang hindi kayang akyatin, makatulong lamang sa mga kababayan natin. Ito ay pinatunayan ng mga kapatid at maytungkulin sa Iglesia Ni Cristo na kabilang sa Society of Communicators and Networkers (SCAN) na mula sa Lokal ng Pasong Tamo at Pugad Lawin na kapwa kabilang sa Distrito ng Central, sa isinagawang Lingap-Pamamahayag nitong Sabado ,Disyembre 3, sa Sitio Apia Calawis, Antipolo City. Madaling araw […]

Lingap Pamamahayag isinagawa ng Iglesia ni Cristo sa Gumaca, Quezon District Jail

GUMACA, Quezon (Eagle News) – Naging matagumpay ang isinagawang Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa mga inmates ng Gumaca District Jail sa Bayan ng Gumaca, Quezon kamakailan. Pinangunahan ni Bro. Benjie S. Estacio, District Supervising Minister ng Quezon East ang nasabing aktibidad. Bago namahagi ng mga goody bags ang mga miyembro ng INC ay nakinig muna ang mga inmates ng mga aral ng Diyos na sinsampalatayanan ng INC. Sa pagtuturo ni Bro. Benjie S. Estacio, ipinaliwanag niya […]

Eagle Broadcasting Corporation, nakiisa sa Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Naki-isa ang Eagle Broadcasting Corporation sa malaking gawain para sa propagasyon ng Iglesia Ni Cristo. Nag-anyaya ng mga panauhin ang mga kawani ng EBC kaugnay ng isinagawang Lingap-Pamamahayag sa Templo, Central na pinangasiwaan ng kapatid na Glicerio Santos, Jr, Ministro ng Ebanghelyo. Bahagi ito ng pakiki-isa ng EBC sa puspusang gawaing Pagpapalaganap upang ipakilala ang Iglesia Ni Cristo sa mga kababayan. Una na ring nakibahagi ang mga boluntaryong kawani […]

Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo isinagawa sa Silay, Negros Occidental

SILAY, Negros Occidental (Eagle News) – Hindi naging hadlang sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang masungit na panahon para isagawa ang Lingap-Pamamahayag kahapon, September 21. Isinagawa nila ito sa Hacienda Pula, Barangay E. Lopez, Silay, Negros Occidental na may mahigit isa at kalahating oras na biyahe mula sa centro ng lungsod. Pinangunahan ni Bro. Roy Corrales, ministro ng ebanghelyo, ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos. Sa kaniyang pagtuturo ay binigyan diin niya kung sino ang iisang tunay na Diyos […]

Lingap-Pamamahayag isinagawa sa Pasay City Jail ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo

PASAY CITY, Metro Manila (Eagle News) – Nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo noong Lunes, September 20 sa inmates ng Pasay City Jail. Kasama itong dinaluhan nina Pasay City Vice Mayor Noel del Rosario, Konsehal Joey Calixto Isidro, at ang Jail Warden ng Pasay City Jail. Pinangunahan naman ni Bro. Benjamin Ilustre ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos. Sa kaniyang pagtuturo ay ipinakilala niya ang layunin ng Iglesia Ni Cristo sa pagsasagawa […]

Lingap-Pamamahayag isinagawa ng Distrito ng Quezon City

QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Dahil sa adhikaing makapagbigay ng tulong para sa ating mga kababayan at lalo na sa espiritual na kalagayan ay nagsagawa ang Distrito ng Quezon City ng Lingap-Pamamahayag nito lamang Linggo, Setyembre 19 na ginanap sa lokal ng Pilot. Maaga pa lamang ay maaga ng iginayak ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na mula pa sa iba’t-ibang lokal na sakop ng distrito ng Quezon City ang kanilang mga magiging […]

Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag kahit sa mga liblib na Barangay sa Aklan

MADALAG, Aklan (Eagle News) —  Ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay wala pilipiling dako para tumulong sa ating mga kababayan. Katunayan kahit sa isang liblib na bahagi sa lalawigan ng Aklan ay nagsagawa sila ng Lingap-Pamamahayag. Isinagawa ito sa Barangay Catabana, Madalag, Aklan. Bagamat biglang bumuhos ang ulan dulot ng Bagyong Carina ay dinaluhan pa rin ng maraming kaanib sa INC kasama ng kanilang inanyayahang mga panauhin ang nasabing aktibidad. Ang pinangunahan ni Bro. Manuel A. […]

Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Compostela Valley, matagumpay na naisagawa

COMPOSTELA Valley, Philippines (Eagle News). Mahigit 1,500 ang dumalo na mga bisita at mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa isinagawang Lingap-Pamamahayag noong Lunes, August 1, 2016 na ginanap sa Montevista Gymnasium, Montevista, Compostela Valley Province. Ito ay bilang paunang aktibidad sa pagdiriwang ng unang taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng Distrito ng Compostela Valley Pasado 2:00 ng hapon ay sinimulan ang Medical Mission para ibahagi sa mga kababayan natin sa nasabing lugar ang libreng Medical Services. Namahagi rin ng […]

Lingap-Pamamahayag, isinagawa sa lalawigan ng Aklan bilang paggunita sa ika-102 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo

MALINAO, Aklan (Eagle News) —  Kaugnay ng Paggunita ng Iglesia Ni Cristo sa pagsapit sa kaniyang Ika-102 taong anibersaryo ng pagkakatatag sa Pilipinas ay matagumpay na naisagawa ang Lingap sa Mamamayan ng mga kaanib nito sa lalawigan ng Aklan. Isinagawa ito sa Barangay Bolabod, Malinao, Aklan. Layunin ng nasabing aktibidad na maitaguyod ang pagsunod sa aral na tulungan ang mahihirap at nangangailangan. Sa kasalukuyan ay itinataguyod nang Iglesia Ni Cristo ang programa nitong “Labanan ang Kahirapan” (Fight against Poverty). Ang […]

Lingap-Pamamahayag, isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Apayao

LUNA, Apayao (Eagle News) — Matagumpay at masiglang naisagawa ang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa Luna Gymnasium, Luna, Apayao. Sa nasabing aktibidad, isa sa mga itinataguyod ng INC ay ang Labanan ang Kahirapan (Fight Poverty). Pinangunahan ni Bro. Bernardino E. Sabado, District Supervising Minister ng Cagayan West ang nasabing aktibidad. Dinaluhan ito ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na mula sa iba’t ibang lugar ng Cagayan at lalawigan ng Apayao. Bago isinagawa ang […]

Lingap-Pamamahayag ng Iglesia ni Cristo sa Pangasinan, matagumpay na naisagawa

ROSALES, Pangasinan (Eagle News) — Isang maituturing na kasaysayan sa bayan ng Rosales, Pangasinan ang matagumpay na Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo na ginanap sa Robert B. Estrella, Sr. Memorial Stadium noong Linggo, July 10, 2016. Bagamat walang Storm Signal Warning na ibinaba ang PAGASA sa nasabing lalawigan, buong araw na walang tigil ang pag-ulan bunsod ng southeast monsoon rain o hanging habagat na pinalakas pa ng bagyong Butchoy. Sa kabila nito ay maagang nagsidatingan ang […]