Tag: Dagupan City

Dagupan City gov’t, nagkaloob ng libreng sakay kaugnay ng transport strike

DAGUPAN CITY (Eagle News) — Hindi halos naramdaman ang epekto ng transport strike sa lungsod ng Dagupan matapos na magkaloob ng libreng sakay ang city government para sa mga commuters. Nagsimula kaninang alas sais ng umaga ang pagdeploy ng mga libreng sasakayan sa mga barangay papuntang downtown area upang ihatid ang mga pasahero at vice versa. Ayon kay Gabriel Cardinoza, city information officer, labing isang mga sasakyan ng city government ang ideneploy upang umayuda sa […]

Dalawang pawikan na naistranded, pinakawalan na sa dagat

Ni Nora Dominguez Eagle News Correspondent DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Pinakawalan na ang dalawang stranded na pawikan sa karagatan ng Bonuan, Binloc sa Dagupan City. Pinangunahan ni Senator Grace Poe, Engr. Rosendo So ng abono Partylist at Dr. Westly Rosario ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-National Integrated Fisheries Technology Development Center (BFAR-NIFTDC) ang pagpapakawala sa dalawang olive ridley sea turtle. Ayon kay Sen. Poe nakakatulong sa pagbalanse ng ecosystem ang mga pawikang […]

Dagupan City nakakaranas ng pagbaha; mahigit 10,000 katao bumalik sa evacuation centers dahil sa pagtaas ng tubig

DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Mahigit 10,000 indibidwal sa Dagupan City ang muling bumalik sa mga evacuation center dahil sa pagtaas ng tubig baha kahit pa wala nang nararanasang pag-ulan sa lalawigan. Ayon kay Lenny Basa, City Information Officer ng lungsod, nasa 2,503 na pamilya o 10,098 na indibidwal ang bumalik sa evacuation centers sa siyudad matapos na abutin ng patuloy na tumataas na tubig baha. Namahagi naman ng relief goods ang Dagupan City […]

Sampung bayan sa Pangasinan muling binaha; klase sa mga lugar na binaha, suspendido

Ni Nora Dominguez Eagle News Correspondent DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Sampung mga bayan sa Pangasinan ang muli na namang nalubog sa baha dahil sa halos walang tigil na pag-ulan na naging dahilan ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog. Ayon sa PDRRMO Pangasinan, kabilang sa mga binaha ang Dagupan City, Calasiao, Sta. Barbara dahil sa pag-apaw ng Sinucalan River; San Carlos City, Bugallon, Mangatarem, Bayambang, Lingayen at Aguilar dahil naman sa pag-apaw ng […]

Tone-toneladang bangus na apektado ng fish kill, nakumpiska sa Dagupan

  DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Hinarang ng City Government at mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa bungad ng Dagupan City Market sa mismong De Venecia Highway ang mga truck na may dalang banye-banyerang bangus na naipuslit sa palengke ng Dagupan na galing sa Anda at Bolinao, bandang alas 11:00 ng gabi nitong Linggo, Hunyo 3. Ayon kay Mayor Belen Fernandez at Supt. Jandale Sulit, pawang tangok o hinangong patay na mga isda […]

125 police personnel ng Dagupan City, isinailalim sa surprise drug test

DAGUPAN, Pangasinan (Eagle News) — Isinailalim sa surprise drug test ang mahigit 100 police personnel sa Dagupan. Ayon kay Supt. Jandale Sulit, hepe ng Dagupan City Philippine National Police, isinagawa ang surprise drug test sa 124 na pulis upang tiyakin na walang gumagamit ng iligal na droga sa hanay ng pulisya. Ayon kay  Sulit, isinagawa ito upang ipakita sa publiko ang seryosong kampanya laban sa iligal na droga at makuha ang loob ng publiko upang […]

Dagupan City Agriculture Office, ipinag-utos na iparehistro ang lahat ng mga bangkang de motor

DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Ipinag-utos ng Dagupan City Agriculture Office sa lahat ng mga operator sa lungsod na iparehistro ang kani-kanilang mga bangkang pangisda upang makaiwas sa aberya. Ayon kay City Agriculture Officer Emma Molina, ito ay kaugnay ng ipatutupad na City Ordinance No. 1768 series of 2003 na nagre-require na dapat iparehistro ang lahat ng mga motorboat na ginagamit sa pangingisda o passenger vessel na nag-ooperate sa siyudad. Alinsunod ito sa ibinabang […]

Dagupan City, nagdiriwang ng Platinum Year

DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Inilunsad noong Huwebes, Mayo 11, ang iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang sa ika-70 taon na Agew na Dagupan o Platinum Year of Dagupan City. Ang paglulunsad ng Agew na Dagupan ay kinabibilangan ng pag-alala sa pinagmulan ng Dagupan o ang Dagupan noon at ngayon o dagupan karuman, natan tan nabwas. Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, sa kasaysayan ng Dagupan muling aalalahanin ang mga pinagdaanang pagsubok ng siyudad, mula sa isang […]

Mobile computer course, para sa may kapansanan, isinagawa sa Dagupan City

Naglunsad ng Mobile Computer Course para sa mga may kapansanan sa Dagupan City lalawigan ng Pangasinan upang maturuan sila ng Makabagong teknolohiya. Ang programa ay pinangunahan ng Area Vocational Center ng Dagupan City upang ituro sa mga may kapansanan ang paggamit sa android mobile phone upang huwag silang mahuli sa makabagong teknolohiya ngayon. (Agila Probinsya Correspondent Glen Tiempo)

Ilang bahagi ng Dagupan City binaha dahil sa patuloy na pag ulan

Ilang bahagi ng Dagupan City binaha dahil sa patuloy na pag-ulan Dahil sa patuloy na pag buhos ng malakas na  ulan,  binaha ang ibang bahagi ng Dagupan City at pansamantala munang hindi pinalaot ang mga maliliit na bangka. Upang maiwasan ang anumang sakuna  ay pinag-iingat ang mga tumatawid sa mga isla sa Dagupan na kung saan ang kanilang gamit ay mga maliliit na bangka lamang. Bagamat wala ng signal warning ang nakataas sa anumang bahagi […]

Mga paaralan sa Dagupan, patuloy ang paghahanda para sa nalalapit na pasukan

Patuloy rin ang paghahanda sa mga pampublikong paaralan sa Dagupan City kaugnay ng programang Brigada Eskwela na ipinanukala ng Department of Education (DepEd). Nakipagka-isa rin ang team ng Philippine Navy sa paglilinis ng mga silid-aralan at pagkukumpuni ng mga upuan sa mga paaralan. (Agila Probinsya Correspondent Glenn Tiempo, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)