Mobile computer course, para sa may kapansanan, isinagawa sa Dagupan City

Naglunsad ng Mobile Computer Course para sa mga may kapansanan sa Dagupan City lalawigan ng Pangasinan upang maturuan sila ng Makabagong teknolohiya.

Ang programa ay pinangunahan ng Area Vocational Center ng Dagupan City upang ituro sa mga may kapansanan ang paggamit sa android mobile phone upang huwag silang mahuli sa makabagong teknolohiya ngayon.

(Agila Probinsya Correspondent Glen Tiempo)