Tag: bagyong Urduja

Mga biktima ng bagyong “Urduja,” makakakuha ng P103.3M tulong – NDRRMC

(Eagle News) — Umabot na sa 103.3 million pesos ang halaga ng naipagkakaloob na tulong sa mga pamilyang labis na apektado ng bagyong urduja na nanalasa sa bansa ngayong buwan. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan, ibinigay ang tulong sa mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga local government unit sa Mimaropa, Caraga at sa Regions 5,6,7 at 8. Labing-apat […]

UN, EU handang magpaabot ng tulong sa nasalanta ng bagyo at iba pang trahedya

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Nakahanda ang United Nations (UN) na tumulong sa mga biktima ng bagyong “Vinta” sa Mindanao. Ipinarating ni UN Secretary General Antonio Guterres ang kanyang pakikiramay sa libu-libong naapektuhan ng kalamidad. Ayon kay Guterres, hiling niya ang mabilis na pagbangon ng mga biktima mula sa trahedya. Sinaluduhan din ng Secretary General ang mga pagkilos na isinasagawa ng rescue and recovery teams at maging ng mga volunteers sa kabila ng mga […]

12 lugar sa Eastern Visayas, isinailalim na sa state of calamity

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Nasa ilalim na ng state of calamity ang labindalawang (12) lugar sa Eastern Visayas o Region 8 dahil sa bagyong Urduja. Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, ang mga lugar ng Ormoc City, Tacloban City, bayan ng Sta. Fe sa Leyte, bayan ng Biliran, bayan ng Tanauan sa Leyte, bayan ng Can-Avid sa Eastern Samar, bayan ng Zumarraca Sa Samar, bayan ng Llorente Sa Eastern Samar, bayan ng Barugo […]

State of calamity idineklara na sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro

NAUJAN, Oriental Mindoro (Eagle News) – Nagdeklara na ng state of calamity sa Naujan, Oriental Mindoro. Inirekomenda ito ng Naujan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa Sangguniang Bayan matapos makapagtala ng P1.1 milyong halaga ng pinsala sa palaisdaan, P115,000 na halaga ng mga napinsalang pasilidad at P1.7 milyong stocks sa warehouse products. Ayon kay MDRRMC Officer Jeory Geroleo, tatlong barangay ang nakapagtala ng kabuuang P200,000 halaga ng napinsalang livestock. Aniya ang mga nabanggit […]

36 pang mga labi, natagpuan sa patuloy na retrieval operation sa Naval, Biliran

By Vanessa Abangan Eagle News Service NAVAL, Biliran (Eagle News) – Tatlumput anim pa ang bangkay na narekober ng mga awtoridad sa isinasagawang retrieval operation sa gumuhong bahagi ng Barangay Lucsoon, Baval, Biliran. Ayon kay Police Chief Inspector Lilibeth Morillo, isa sa kanilang nakuha ay isang babae na nasa 10-15 taong gulang. Aniya, may mga natagpuan ang mga rescuer na mga bahagi nalang ng katawan dahil sa matinding pagkakaipit sa landslide. Samantala, problemado naman ang […]

Bagyong Urduja, nanalasa sa bahagi ng Palawan; matinding pagbaha nararanasan

Ni Anne Ramos Eagle News Service PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nagmistulang swimming pool ang ilang bahagi ng Puerto Princesa City dahil sa mga pagbaha ng mga lansangan doon dulot ng malakas na ulan dahil sa bagyong Urduja. Halos hindi na madaanan ng mga sasakyan ang ilang kalye sa Barangay San Jose at Barangay Tiniguiban dahil sa mataas na tubig. Sa Barangay Irawan naman ay aabot hanggang bewang ang tubig baha. May mga […]

Mag-asawa patay, matapos natabunan ng lupa sa San Fernando, Romblon

SAN FERNANDO, Romblon (Eagle News) – Natabunan ng lupa ang mag-asawa sa mismong pamamahay nito matapos tamaan ng landslide dahil sa hagupit ng bagyong Urduja noong umaga ng Linggo, Disyembre 17, sa San Fernando, Romblon. Ayon sa kwento ng anak na nakaligtas, galing umano siya sa kapit-bahay nila ng maghatid siya ng kanilang gamit para lumikas ng pabalik na siya sa kanilang bahay nang nakita niyang mabagsakan ang kaniyang nanay na papalabas na ng kanilang bahay ng […]

Ormoc City, isinailalim na sa state of calamity

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Ormoc dahil sa paghagupit ng bagyong Urduja. Ayon kay Mayor Richard Gomez, inaprubahan na ng 14th Sangguniang Panlungsod ng Ormoc ang resolution No. 2017-354 na naglalagay sa naturang lungsod sa state of calamity. Ito ay nauna nang inirekomenda ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC). Samantala, nauna nang isinailalim sa state of calamity ang Tacloban City dahil din […]

26 patay dahil sa landslide na dulot ng bagyong Urduja; 23 pang residente nawawala sa Biliran

NAVAL, Biliran (Eagle News) – Dalawampu’t anim ang nasawi, habang 23 na mga residente ang nawawala matapos na magkaroon ng landslide sa Naval, Biliran. Ayon kay Biliran Governor Gerry Espina, karamihan sa mga nasawi at maging ang mga nawawala ay mga residenteng nakatira sa mga lugar na may naitalang pagguho ng lupa dahil sa bagyong Urduja. Sa bayan ng Naval, sa Biliran Island, pito ang nasawi sa landslide. Labinlima katao naman ang patuloy na pinaghahanap […]

Isang ginang patay sa pagguho ng lupa sa Labo, Camarines Norte; lima pa sugatan

LABO, Camarines Norte (Eagle News) — Sa kasagsagan ng matinding pag-ulan at malakas na hanging sanhi ng bagyong “Urduja,” gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Purok 1 Barangay Exciban, Labo, Camarines Norte dahilan upang matabunan ang isang bahay na pag-aari ng residente na nagngangalang Francis Bio. Bandang alas-dos ng madaling araw ng mangyari ang insidente kung saan natabunan ang isang ginang na nakilalang si Conchita Nequia, 58 taong gulang at lima naman sa mga […]

Puerto Princesa, nakakaranas ng pagbaha dulot ng bagyong Urduja

STA. LOURDES, Puerto Princesa (Eagle News) — Nakararanas ngayon ng mga pagbaha ang mga residente ng Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa dahil sa tuluy-tuloy na malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Urduja na tuluyan na ngang nakapasok sa bansa. Hirap ngayon ang mga residente na dumaan sa mga bahang lansangan dahil sa pagbabara ng mga daanan ng tubig ng mga maliliit na troso at iba pang mga basura. Nagtulung-tulong naman ang mga residente at ilang […]

Klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Tacloban City, suspendido na dahil sa bagyong Urduja

Ni Rheanel Vicente Eagle News Service TACLOBAN CITY, Philippines (Eagle News) — Suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Tacloban City dahil sa bagyong Urduja. Sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ng Tacloban City ang klase ngayong araw, Huwebes, December 14. Ito’y upang makaiwas sa anumang panganib ang mga mag-aaral sa gitna ng nararanasang mga pag-ulan. Sa abiso mula kay Tacloban City Mayor Cristina Romualdez, malaki ang posibilidad […]