Mag-asawa patay, matapos natabunan ng lupa sa San Fernando, Romblon

Lugar kung saan natabunan ang mag-asawa sa San Fernando, Romblon. /Renand Pastor/Eagle News Service/

SAN FERNANDO, Romblon (Eagle News) – Natabunan ng lupa ang mag-asawa sa mismong pamamahay nito matapos tamaan ng landslide dahil sa hagupit ng bagyong Urduja noong umaga ng Linggo, Disyembre 17, sa San Fernando, Romblon.

Ayon sa kwento ng anak na nakaligtas, galing umano siya sa kapit-bahay nila ng maghatid siya ng kanilang gamit para lumikas ng pabalik na siya sa kanilang bahay nang nakita niyang mabagsakan ang kaniyang nanay na papalabas na ng kanilang bahay ng gumuhong lupa galing sa kabilang kalsada.

Sinikap pa aniya nilang tulungan ang kaniyang mga magulang subalit hindi na naisalba dahil sa dami ng lupa na natambak.

Sa ngayon ay pansamantalang itinigil muna ng mga rescuer ang kanilang isinasagawang retrieval operation sa kadahilanang maaari pa umanong magkaroon ng landslide sa lugar. (Renand Pastor, Eagle News Service)