(Eagle News) — Hindi na umano maaaring tirahan o pagtayuan ng bahay ang malaking bahagi ng bayan ng Itogon, Benguet. Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, sa isinagawang geo-hazard mapping ng mga otoridad matapos ang landslides dulot ng Bagyong Ompong noong Setyembre malaking bahagi ng naturang bayan ang idineklarang nasa critical danger zones habang ang ibang lugar ay may malaking tiyansa na makaranas ng ground movement. Kabilang sa mga lugar na idineklarang no-build zone ang […]
Tag: Bagyong Ompong
Iba’t ibang grupo, tumutulong sa DSWD sa pagre-repack ng relief goods
Ni Mica Alejandro Eagle News Service (Eagle News) — Iba’t-ibang grupo ang nagtulong-tulong para magrepack ng relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong Ompong. Kabilang dito ang Tagasupil Anti-Crime Group, MRRD-NECC-NCR, na nagtungo sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lungsod ng Pasay. Ang lahat ng mga nirepack ay ipapadala sa lahat ng lugar na nasalanta ng Bagyong Ompong. Tumulong din umano si Presidential communications office Assistant Secretary Mocha Uson […]
Bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Ompong, pumalo na sa 88
(Eagle News) — Umakyat na sa walumpu’t-walo (88) ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong ompong. Batay ito sa pinakahuling impormasyon na nakuha ng Philippine National Police (PNP) mula sa kanilang mga regional offices sa Regions 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region at National Capital Region. Aabot naman sa animnapu’t apat (64) ang nawawala habang pitumpu (70) ang sugatan. Mahigit labing dalawang libong (12,000) pamilya naman ang nanatili pa rin sa mga evacuation center […]
Halaga ng pinsala sa agrikultura sa Dingalan, Aurora dahil sa bagyong Ompong, umabot sa 6.3 milyong piso
(Eagle News) — Nagpapasalamat si Dingalan, Aurora Municipal Mayor Sherwin Taay dahil zero casualty ang kanilang bayan sa naging pananalasa ng bagyong Ompong. Matapos din aniya ang halos limang araw ay normal nang nakapaglalayag ang kanilang mga mangingisda. Pero bagamat ligtas ang kaniyang mga kababayan at wala ring nasirang mga imprastraktura, hindi naman nakaligtas sa unos ang kanilang mga pananim. Ayon sa Alkalde, aabot sa 6.3 milyong halaga ng mga palay at mga gulay ang […]
Ilocos Sur, nananawagan ng karagdagang relief goods para sa kanilang mga evacuee
VIGAN CITY, Ilocos Sur (Eagle News) – Tinatayang aabot sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa Ilocos Sur sanhi ng nagdaang bagyong Ompong. Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Ilocos Sur Officer Michael Chan, pagdating naman sa imprastraktura ay tinatayang aabot naman sa 70 milyong piso ang napinsala ng bagyo. “Sana makita rin po yong Ilocos Sur, although ang mga Ilocanos po ay mabilis mag-recover pero po […]
Pinsala ng bagyong Ompong sa Pangasinan umabot na sa P1.4B ayon sa PDRRMC
Ni Nora Dominguez Eagle News Service (Eagle News) — Tinatayang umabot na sa Php 1.4 bilyon ang pinsala ng bagyong Ompong sa lalawigan ng Pangasinan sa imprastraktura at agrikultura. Sa partial damages report ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) as of September 19, ang pinsala sa agrikulta ay umabot na sa Php 1,043,361,280. Habang ang estimated cost of damages sa mga palay na napinsala ng baha ay umabot na sa Php 986,163,835 […]
Cordillera Mountains, isasailalim sa rehabilitasyon; small-scale miners, bibigyan ng trabaho
(Eagle News) — Paiiralin ng gobyerno sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang sistemang ipinatupad sa Boracay para sa mga mawawalan ng trabaho na small-scale miners. Sa press briefing na isinagawa sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kabisado na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sistema kaya hindi na mahihirapan sa pagbibigay ng emergency employment sa mga mawawalan ng trabaho sa CAR. Hindi naman masabi ni Roque kung hanggang kailan […]
Dagupan City nakakaranas ng pagbaha; mahigit 10,000 katao bumalik sa evacuation centers dahil sa pagtaas ng tubig
DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Mahigit 10,000 indibidwal sa Dagupan City ang muling bumalik sa mga evacuation center dahil sa pagtaas ng tubig baha kahit pa wala nang nararanasang pag-ulan sa lalawigan. Ayon kay Lenny Basa, City Information Officer ng lungsod, nasa 2,503 na pamilya o 10,098 na indibidwal ang bumalik sa evacuation centers sa siyudad matapos na abutin ng patuloy na tumataas na tubig baha. Namahagi naman ng relief goods ang Dagupan City […]
Lingap para sa nasalanta ng bagyong Ompong, isinagawa sa distrito ng Benguet
(Eagle News) — Mabilis na dinala at ipinarating sa lalawigan ng Benguet ang agarang tulong ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo para sa mga mamamayan at mga kaanib sa INC na naapektuhan ng bagyong Ompong nitong nakalipas na Sabado, Setyembre 15. Nasa halos 2,500 goody bags ang natanggap ng mga nasalanta ng bagyo na isinagawa sa lokal ng La Trinidad, Benguet nito lamang Lunes ng hapon, Setyembre 17. Ayon kay kapatid na Homer Tiomico, […]
Pinsala ng bagyong Ompong sa Baggao, Cagayan
(Eagle News) — Matinding pinsala ang naranasan ng mga mamamayan lalo na ng mga magsasaka sa bayan ng Baggao sa lalawigan ng Cagayan. Matatandaang sa Baggao ang sentro kung saan tumama ang mata ng bagyong Ompong. Inararo ng malakas na hangin ang hekta-hektaryang pananim na mga mais. Hindi na ito gaanong pakikinabangan ng mga magsasaka dahil sa naging pinsala. Nasira din ang maraming kabahayan sa bayang ito. Nagliparan ang mga bubong ng ilang mga bahay […]
54 kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyong Ompong sa Cordillera Region
Ni Freddie Rulloda Eagle News Correspondent BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) – Aabot na sa 54 katao ang kumpirmadong namatay sa pananalasa ng bagyong Ompong sa rehiyon ng Cordillera. Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Command Office, karamihan sa mga namatay ay natabunan ng gumuhong lupa at putik. Ang ilan naman ay naanod ng rumaragasang tubig, at natamaan ng mga tumumbang mga punong-kahoy. Narecover […]
PAGASA warns of thunderstorms over at least five areas
(Eagle News)—A thunderstorm warning has been raised in some areas as “Ompong” headed toward Apayao and Ilocos Norte on Saturday morning. The Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration said moderate to heavy rains with lightning and strong winds due to thunderstorms are expected in Camarines Norte, Oriental Mindoro, Marinduque and a portion of Camarines Sur, Romblon and nearby areas. PAGASA said this may persist within two to three hours. “All are advised to take […]





