Tabuk City, Kalinga RTC naglabas na ng warrant of arrest laban kina Menorca at Yuson

TABUK City, Kalinga — Naglabas na ang Regional Trial Court Branch 25 sa Tabuk City, Kalinga sa katauhan ni Judge Marcelino K. Wacas ng warrant of arrest laban kina Eliodoro “Joy” Yuson at Lowell “Boyet” Menorca II. Kaugnay ito ng kasong libelo na isinampa sa kanila nina Ginoong Pedro F. Castillo, District Minister ng Iglesia Ni Cristo  sa Kalinga at Manuel Melchor, Sr., miyembro ng SCAN International sa nasabi ring lalawigan.

Matatandaan na noong Nobyembre nang nakaraang taon ay nagsampa ng magkahiwalay na kaso sina ginoong Castillo at Melchor laban kina Yuson at Menorca kaugnay ng mga mapanira at malisyosong pahayag ng mga ito laban sa mga ministro ng INC at sa mga miyembro ng SCAN International.

Ikinatuwa naman ng mga kinauukulan ang paglabas ng warrant of arrest at ang hamon nila sa mga akusado ay lumutang na sila at harapin na lamang mga kasong naisampa laban sa kanila.

Ang mga akusado ay pinapayagang makapagpiyansa ng kapuwa tig-labing dalawang libong piso para sa pansamantala nilang paglaya. (Eagle News Service)