Symposium on Dangerous Drugs isinagawa para sa H-S. students sa Sta. Ignacia, Tarlac

STA. Ignacia, Tarlac (Eagle News) — Kaugnay parin ng pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga isang symposium kaugnay sa iligal na droga ang isinagawa sa isang paaralan sa Sta. Ignacia, Tarlac. Aabot sa mahigit isang libong high school students ang dumalo sa nasabing aktibidad.